Chapter 16

5.7K 143 1
                                    

This is the updated version of Chapter 16. However, I'll update it once more if I encounter any problem. Thank you for your understanding!


Updated: August 28, 2021


Samantha's POV


Tumigil siya at tumingin ng diretso sa mga mata ko. Bahagya pa niyang pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata ko. "Remember this," mahinang sabi niya. "You're mine, Samantha. Mine only."


"Why are you doing this?" Naguguluhan na tanong ko dahil hindi ko talaga siya maintindihan. Akala ko ay kagaya nila Bea, hindi niya 'rin ako kakausapin ngayon.


"Because I love you." Napamaang ako sa sinabi niya. Bumilis ng tibok ang puso ko. Parang ngayon ko lang narinig ang mga salitang 'yun sa buong buhay ko.


"No. Don't love me too much." Napapailing na sabi ko. Hindi niya ako pwedeng mahalin ng sobra dahil aalis na ako. At kapag nangyari 'yun, hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako sa kaniya o hindi na.


"This is my feelings. I'll follow what my heart wants and you can't do anything about it." Nakangiti niyang sabi bago ako hinila pabalik sa room namin. Gusto ko pang mailang dahil ngayon lang namin ginawa na maghawak ng kamay habang naglalakad sa hallway ng hindi magkaaway. Palagi kasi kaming magkaaway kaya siguro nagtataka na 'rin ang ilang estudyante na nakatingin sa amin sa mga oras na 'to.


"Alam na nila." Natural na sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Pero nang malaman kung ano ang pinapahiwatig niya napabuntong-hininga nalang ako.


"Alam ko."


"Hindi ka ba natatakot?"


"Matatakot? Saan?"


Bahagya pa siyang ngumiti bago muling tumingin sa harapan. "Na baka puntahan ka dito ng mga kaaway mo sa iba't-ibang lugar. Alam na nila kung saan ka nila matatagpuan. They know your real identity."


Alam na nila na si Queen Katana at Samantha ay iisa. Nakakatakot man pero kailangan kong mapanindigan ang bagay na 'yun.


Tumingin ako sa kaniya ng diretso sa sinabi niya at bahagya pa siyang tinaasan ng kilay. "Bakit ikaw? Hindi ka ba natatakot na baka madamay ang eskwelahan niyo dahil nandito ako?"


"Hindi." Kibit-balikat na sagot niya bago tumingin ng diretso sa 'kin. "Mas natatakot ako kung bigla ka nalang aalis sa tabi ko." Natahimik naman ako at hindi na nagsalita dahil naintindihan ko ang pinaparating niya. Hindi talaga siya sang-ayon sa naging desisyon ko.


Dumiretso kami sa room dahil may exam kami ngayon. Mahalaga pa naman 'yun kaya wala talagang estudyante ang gugustuhing hindi kunin 'yun. Mahalaga ang exams sa year namin ngayon. Baka isang kulang na exam lang, bumagsak kami ng tuluyan lalo na ako dahil kailangan kong makapasok ng DL.


Apat na subject lang ang tinake namin ngayon bago mag-uwian. Balak ko sanang pumunta ng UDG nang biglang kunin ni Cris ang bag ko at hinila ako papaalis sa room namin. Ni hindi ko pa natawag sila Bea.


"Saan tayo pupunta? May kailangan akong puntahan. Palagi nalang ganito." Reklamo ko na ikinatigil niya at bahagya pang natawa sa itsura ko.


"Seriously?"


"Naiirita ako sa'yo." Ngumiti nalang siya sa akin nang mapang-asar bago binuksan ang sasakyan ng shot gun seat ng sasakyan niya kaya sumakay na ako doon. Nanatili siyang nakangisi habang nasa byahe kami hanggang sa makarating kami sa isang building.


I'm Inlove With The Gangster QueenHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin