Chapter 8

6K 172 1
                                    

This is the updated version of Chapter 8. However, I'll update it once more if I encounter any problem. Thank you for your understanding!


Updated: August 23, 2021


Samantha's POV


Ang daming tauhan ni Bryan. Literal ngang gusto kaming patayin ng isang 'yun. Gustuhin ko mang bumalik sa open racing, eh hindi ko na nagawa dahil baka mas maraming tao lang ang madamay doon. I can't bare to see that. Maybe I should kill these people before going there to kill Bryan. That's my plan.


"What the??" Napalingon ako kay Cris na ngayon ay kunot-noong nakikipaglaban. Base naman sa nakikita ko, wala pa siyang sugat. He is the leader of the Darkness Four afterall. Of course, he's good.


May hahampas sana sa akin ng kahoy pero agad ko 'yung iniwasan at sinapak ko siya sa mukha bago tumambling papunta sa likuran para bumwelo. Late na ngayon. I might be late tomorrow morning because of what is happening right now. Aside from being late today, I'll probably be exhausted tomorrow.


Pagod talaga ang naramdaman ko nang mahigit 40 ang taong ipinadala ni Bryan. Hindi ko alam kung ilan ang nakalaban ko, ang gusto ko nalang talaga ngayon ay makapagpahinga. Kahit pahinga lang.


Ang totoo niyan, kanina ko pa gusto ilabas ang kunai ko. Kung may kunai akong hawak, malamang sa malamang wala na 'tong mga 'to kasi mas gamay ko ang paggamit nun. Pero dahil nandito si Cris na leader ng Darkness Four at under ng organization ko, hindi ko magawa ang bagay na 'yun. Makikilala niya ako. Kakaiba pa naman ang kunai na meron ako. Ipinagawa ko ang kunai na 'yun para sa akin lang. kaya once na makita ng kung sino 'yun, for sure makikilala nila kung sino talaga ako. 'Yan nga din siguro ang dahilan kung bakit nakilala ako ni Lanz nung monday.


"Ah, puta! Kelan ba matatapos 'to?" Inis na sabi ni Cris na ikinalingon ko. Napatingin ako sa mga taong papalapit sa amin na bagong grupo na naman ng mga tauhan ni Bryan. Gusto ko tuloy bigla mapatanong nung kagaya ng tanong ni Cris. Kelan nga ba matatapos 'to?


Mapapatay ko talaga si Bryan sa ginagawa niya sa akin. Kapag nalate talaga ako bukas, hindi na sisikatan ng araw 'yung siraulong 'yun. Nakakainis! Sana ay nakapagpara na ako ng taxi ngayon at payapa ng naghihintay para makauwi ng apartment. Ganon nalang, eh. Pero dahil sa mga taong 'to, naudlot ang bagay na 'yun.


"Let's go." Napakunot agad ang noo niya sa sinabi ko pero hindi ko na sinubukan pang sabihin sa kaniya 'yun at hinila nalang siya papaalis sa lugar na 'yun. Pakiramdam ko kasi kung makikipaglaban pa kami doon, mas lalo lang kaming magsasayang ng oras kaya mas mabuting umalis nalang. At least, hindi pa kami masiyadong mapapagod.


Napamura naman ng mahina si Cris at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko na kanina ay nakahawak sa braso niya. Nauna siyang tumakbo at hinila ako kung saan na hinayaan ko nalang naman din dahil hinahabol kami ng mga tauhan ni Bryan. Kung magtatalo pa kami dito, for sure pareho kaming mamatay ng maaga.


"Where's your car?" Kunot-noong tanong niya habang tumatakbo kami. Masiyado ng madilim sa lugar na 'to. Tanging street lights nalang ang nagbibigay ng liwanag.


"Alam mo naman kung ano ang nangyari sa sasakyan ko diba? Hindi ko kayang makita na tuluyang masira 'yun." Inis na sabi ko dahil naalala ko na naman talaga 'yun. Nakakainis. Kawawa naman ang sasakyan ko. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi 'yun ang sasakyan na ginamit ko.


Mabuti nalang at hindi na siya nagsalita dahil nabad mood talaga ako doon. Pakiramdam ko mas mabuting tumigil sa pagtakbo at makipaglaban mag-isa sa mga taong humahabol sa amin para lang mawala ang galit na nararamdaman ko. Idagdag pa sa inis ko ang paikot-ikot namin dito sa mga eskinita na may mga nakasarang bar.


I'm Inlove With The Gangster QueenWhere stories live. Discover now