Chapter 19

5.3K 158 1
                                    

This is the updated version of Chapter 19. However, I'll update it once more if I encounter any problem. Thank you for your understanding!


Updated: August 29, 2021


Cristoffe's POV


Sobrang sama ng loob ko sa sinabi ni Samantha nung sabado. Nakalimutan niya ata kung ano niya ako? Tss. Pakiramdam ko nabalewala ako kahapon, eh. Nakakainis talaga.


Kinausap ko si Jake tungkol doon at sabi niya sa akin, i-try ko daw na pagselosin si Samantha. Napairap pa ako nang malaman 'yun dahil as if naman na magseselos ang isang 'yun pero pinilit niya pa 'rin ako. Sabi niya subukan ko pa 'rin daw. Tss. Kaya 'yun ang ginawa ko. Kung pwede ko nga lang iwan si Angelie, ginawa ko na, e. Ang ingay, putcha.


Nagulat ako nang biglang may lumipad na kunai sa pwesto ko at nakita ko si Samantha na masama ang tingin sa akin. Hindi ko inaasahan ang bagay na 'yun. Akala ko ay hindi niya ako papansinin pero nagkamali ako.


"You are affected?" Natatawa kong tanong na ikinasama lalo ng tingin niya. Narinig ko pang nagtilian 'yung mga kaklase namin pero wala na akong pakealam doon dahil nasa harapan ko na 'yung babaeng alam kong mamahalin ko habang-buhay.


"Anong kailangan mo? Pumunta na kayo sa condo mo para makapag-umpisa na kayo. Uuwi na ako. Bitawan mo ko." Malamig niyang sabi sa akin. Bakit ganon? Mas natutuwa ako sa ikinikilos niya. Pfft. Look what you did to me Samantha. Everything you do, it makes me crazy.


"We're going." Paalam ko kila Jake na ngumisi lang sa akin.


"Saan mo na naman ako dadalhin?" Masungit niyang sabi sa akin kaya sinenyasan ko siyang sumakay sa sasakyan ko.


"Sa condo ko." Natural na sagot ko na ikinatigil niya. "What?"


"Kung bumabawi ka dahil sa nangyari kanina. Wag na. Dahil mas gusto kong umuwi." Sabi niya sa akin kaya agad akong umikot sa sasakyan at sumakay sa driver seat bago nakangiting humarap sa kaniya.


"Hey, I'm sorry. Okay? Hindi ko naman sinasadya 'yung kanina. Gusto ko lang talaga malaman kung may pakealam ka pa ba sa akin." Agad niya akong sinamaan ng tingin dahil sa sinabi kong 'yun. Gusto kong matawa pero mas pinili kong hindi gawin 'yun dahil hindi talaga maganda mood niya.


"You did it. Nalanan mo na, na apektado ako. So now, pwede na ba akong umalis?" Galit talaga siya. Psh! Hindi ko 'rin kasi alam kung ano ang pumasok sa utak ko at ginawa ko talaga 'yun. I mean, I don't act like this. This is too childish for me but I need to know the truth. And the truth leads me in this situation. Damn it! Nalaman ko ngang may pakealam siya pero hindi niya naman ako kinakausap ng maayos.


"What did you say?"


"Ang sabi ko nagtagumpay ka dahil nalaman mo ng may pakealam ako sa——" hindi ko na pinatapos 'yung sasabihin niya dahil agad ko na siyang niyakap. Bahagya pa akong natawa nang hampasin niya ang likuran ko. "I can't breathe, putcha." Inis na sabi niya kaya tumingin nalang ako sa kaniya at hinalikan siya sa labi na ikinamaang niya pa.


"Can't help it, eh." Kibit-balikat na sabi ko nang samaan niya ako ng tingin.


"Nasasanay ka na, ah." Napangiti naman ako sa kaniya bago sinuot ang seat belt ko at pinaandar na ang sasakyan papaalis. Ipinakita ko lang ang ID ko sa guard at pinalabas naman agad ako. "Ano bang ganap sa condo mo at yayayain mo pa akong pumunta doon?"


I'm Inlove With The Gangster QueenWhere stories live. Discover now