Chapter 13

6.2K 182 0
                                    

This is the updated version of Chapter 13. However, I'll update it once more if I encounter any problem. Thank you for your understanding!


Updated: August 25, 2021


Samantha's POV


Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya. Paanong——anong ginagawa niya dito??


"Samantha, you need to stop this. Your emotions are killing you." nag-aalala niyang sabi na ikinamaang ko. Dahil mas lalo lang akong nakaramdam ng galit sa sinabi niya. Hindi ba't sila naman ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon? Kung bakit sirang-sira na ng buhay ko? Kaya bakit bumalik pa siya?


"Anong karapatan mong sabihin 'yan sa 'kin?" Sarkastiko kong sabi at pinunasan ng bahagya ang luhang tumulo sa mata ko. "Bitawan mo ako. Hindi ko kailangan ang isang katulad mo."


"Bitawan mo siya. We will talk. I'll explain everything." sabi niya na ikinatigil ko ulit. Inis akong tumingin kay Angelie at padabog siyang ibinaba sa sahig bago humarap kay kuya.


"Late na late na ang paliwanag mo, kasi sirang-sira na ang buhay ko kaya hindi ko na 'yan kailangan. Umalis ka na at make sure na hindi ka na muling magpapakita sa akin." Seryoso kong sabi at naglakad na paalis sa lugar na 'yun. Dinampot ko pa 'yung bag ko bago pumunta sa parking lot para umalis.


Naiiyak ako. Bakit bumalik pa sila? Bumalik ba sila para saktan ulit kami ni Dad? Para iparamdam na naman sa amin na hindi kami importante? Putcha, sabay-sabay ngayong araw, ah. Parang ayaw ako pagpahingahin.


Ramdam ko ang paghawak ni kuya sa kamay ko na akmang bubuksan ang pintuan ng sasakyan ko. Walang emosyon akong nag-angat ng tingin sa kaniya pero nahagip pa ng mata ko sila Cris.


Ah, so tama pala talaga 'yung hinala ko. Akala ko pareho lang ng pangalan. Sander, eh. Pero kapatid ko pala talaga 'yun. At ang malala pa, kilala nila Cris? Kilala ng pamilya niya.


"Hindi ko alam kung paano babawi sa'yo, Samantha. But please hear me out." Agad kong inalis ang kamay niya na nakahawak sa braso ko bago siya sinamaan ng tingin.


"Hindi na nga kailangan, diba? Alin ang hindi mo maintindihan doon? Hindi kita kapatid. Matagal ng namatay ang kapatid ko. Kaya tigilan mo ako." Inis na sabi ko at umalis na sa lugar na 'yun. 10am palang ngayon pero ang dami ng nangyari sa buhay ko. Paano pa kaya mamaya?


"Hello?" Tanong ko sa secretary ni Daddy na kausap ko sa cellphone.


"Yes, Miss Samantha?"


"Where's Daddy?"


"Nasa bahay niyo po." Natural na sabi niya na ikinabuntong-hininga ko. Nasa bahay lang siya. Hindi niya man lang alam ang nangyayari sa buhay ko sa mga oras na 'to. Pero ayokong makita nila si Dad. Ayokong makitang nasasaktan na naman siya ng dahil sa kanila.


"Alright. Thank you."


"No worries, Miss Samantha."


Agad kong inikot ang sasakyan papunta sa mansiyon namin. Lunch time na nang makarating ako doon pero napatigil din ako agad nang mapansin ang aura ng bahay namin. May kakaiba na hindi ko maintindihan.


"What is happening?" Tanong ko sa maid namin nang makapasok ako ng gate. Napangiti naman agad siya sa akin.


"Hinihintay na po nila kayo, Ma'am."


I'm Inlove With The Gangster QueenWhere stories live. Discover now