Chapter 9

5.8K 168 1
                                    

This is the updated version of Chapter 9. However, I'll update it once more if I encounter any problem. Thank you for your understanding!


Updated: August 23, 2021


Cristoffe's POV


It was actually not in my plan to bring Samantha in this place but I need to see her reaction. Gusto kong malaman ang reaksiyon niya once na dalhin ko siya dito. At sa mga oras na 'to, hindi ko pa 'rin magawa 'yun dahil ang galing niyang magtago ng nararamdaman niya. But not when Harold came.


Kitang-kita ko ang pagkamangha ni Harold nang makita si Samantha na nakatingin lang ng diretso sa kaniya. Walang ginagawa, basta nakatingin lang siya at pinagmamasdan si Harold na biglang sumeryoso pero hindi pa 'rin matatago ang ngisi sa labi niya.


"Do you know each other?" Kunot-noong tanong ko sa kanila kaya napatingin sa akin si Samantha at tinaasan pa ako ng kilay. "What? When did you to met?"


"Group of friends." Natural lang na sabi ni Harold sa akin bago tumingin kay Samantha. "What are you doing here, Samantha? Hindi ikaw 'yung tipo ng tao na napupunta sa lugar na 'to." Damn it! Akala ko pa naman ay pamilyar dito si Samantha! Hindi naman pala!


"Tol, tinakot mo ata si Sam. First time niya ata dito." Bulong sa akin ni Tristan kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.


"Lagot ka, Cris."


"Sino ang makakalaban namin?" Seryoso kong tanong na ikinataas ng kilay ni Harold nang marinig ang sinabi ni Samuel. Napailing pa muna siya bago kinuha ang ipad niya para tingnan kung kelan ang laban namin.


"You're next. Prepare now." Natural na sabi niya bago nilingon si Samantha. "Anyways, Samantha. Can we talk? May sasabihin lang ako tungkol doon sa isa nating kaibigan." Eh, bakit hindi nalang sabihin dito? Tss. Inis akong tumingin kay Samantha nang tumayo pa talaga siya mula sa pagkakaupo at tiningnan pa muna ako bago walang sabi-sabi na umalis.


"Tol, galit ata sa'yo si Sam. Tanga ka kasi, eh. Bakit mo dinala dito?" Tanong ni Tristan sa akin na hindi ko nalang sinagot dahil naghanda na ako para sa laban namin. Kailangan kong tapusin agad 'yun.


Ilang minuto pa ata ang hinintay ko. Imbes na mainis kasi ang tagal dumating nung makakalaban namin ngayon, mas naiinis ako sa katotohanang hindi pa bumabalik si Samantha hanggang ngayon. Saan na nagpunta ang isang 'yun?


"Hoy, kumalma ka nga. Hindi pa naman tayo makikipaglaban." Kalabit sa akin ni Tristan nang mapansin ang pagtingin ko sa kung saan-saan.


"Tss. Hindi naman ako kinakabahan doon."


"Kay Samantha 'yan kinakabahan. Hayaan niyo na at mukhang nahulog na ang isang 'yan." Natatawang sabi ni Jake kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.


"I don't fall in love that fast."


"Sus, hindi mo sigurado 'yan." Natatawa niyang sabi. "Hindi ka naman nag-alala ng ganiyan sa isang tao, kay Samantha lang talaga. Kung hindi mo siya gusto, ano 'yang ginagawa mo?"


"Friends." Sabat ni Samuel at nginisian pa ako. "Friends lang sila. No hard feelings. Bawal mainlove, ganon."


"Ano 'yun? Fubu?" Natatawang tanong ni Tristan kaya binato ko siya ng yelo na nahawakan ko na agad niya namang naiwasan.


I'm Inlove With The Gangster QueenWhere stories live. Discover now