Chapter 14

6.2K 165 10
                                    

This is the updated version of Chapter 14. However, I'll update it once more if I encounter any problem. Thank you for your understanding!


Updated: August 25, 2021


Samantha's POV


"So, alam na nga nila?" Tanong sa akin ni Bea na ikinabuntong-hininga ko. Kasalukuyan kaming nasa apartment ngayon dahil walang pasok. Wednesday ngayon at nung monday lang kami pumasok dahil nung tuesday, hindi kami pumasok dahil 'yun ang labas ng Hospital ni Andrea. Dapat talaga, pwede na siya lumabas nung saturday palang pero hindi ako pumayag. Wala namang nagawa 'yung tatlo dahil akala nila galit pa 'rin ako sa kanila. Ngayon lang nila ako iniinterview kasi ngayon lang ako nagparamdam sa kanila na ayos na ako. Tss.


Gabing-gabi na kasi nung umuwi ako nung friday. Hinatid ako ni Cris dito sa apartment. Pero simula noon, hindi na ako nagsalita pa dahil ang dami ko talagang iniisip. Idagdag mo pa 'yung pag-aalala ko kay Andrea.


"Oo nga." Pag-uulit ko na ikinamaang nila. Tumakbo pa sa kusina si Bea para kumuha ng chocolate bago bumalik sa pagkakaupo sa tabi ko. Para siyang may pinapanood dahil nasa akin talaga ang atensiyon niya. Jusko, ano bang nangyayari dito kay Bea. "Layuan mo nga ako."


"Aray, ha." Reklamo niya nang itulak ko ang mukha niya.


"Ang lapit mo, eh."


"Hoy! Wag ka ngang maarte diyan! May kasalanan ka pa nga sa amin." Napamaang ako sa sinabi niya.


"Ano naman 'yun?"


"Aba, tinakot mo ko ng sobra nung friday! Takot na takot kaming tatlo nun sa'yo! Ni hindi ka namin malapitan sa sobrang takot!" Sigaw niya sa akin. Halatang may sama nga ng loob. "Kahit si Cris, walang nagawa! Tanging 'yung lalaki lang ang nakapagpatigil sa'yo."


"Ate Sam, sino pala 'yung lalaking 'yun?" Takang tanong ni Andrea sa akin. Bahagya ko pang inayos 'yung buhok niya dahil may nakabalot pa sa ulo niyang bandage. Wag na talaga magpapakita sa akin 'yung Angelie na 'yun. Mapapatay ko talaga siya.


"Nagulat ako nung pinigilan ka niya, eh. Sino nga ba 'yun?" Kunot-noong tanong ni Bea.


"Kapatid ko." Mahina kong sabi na ikinatahimik nila. Alam kasi nila ang nangyaring 'yun. Lalo na ni Bea. Alam niya kung paano ko mapanaginipan 'yun to the point na sa tuwing gigising ako, palagi akong umiiyak dahil doon.


"Kamusta? Okay ka na ba?" Tanong ni Bea na ikinangiti ko.


"Oo naman. Okay na 'to, eh." Turo ko kay Andrea na napangiti pa sa akin. "Alam niyo naman na hindi ko kayang may nasasaktan kahit isa sa inyo."


"Naks. Ang sweet." Natatawang sabi ni Bea at sinundot pa ang tagiliran ko. "So, pati ang mommy mo, nakita mo na 'rin?"


"Malamang. Ano 'yun 'yung kapatid lang ang nakita niya? Tss. Mag-isip ka nga, Bea." saway ni Ally na lihim kong ikinatawa.


"Hoy, Allyza Chan! Baka nakakalimutan mong mas matanda ako sa'yo?!" Masungit na tanong niya na ikinangiwi ni Ally. "Tawagin mo kong Ate!"


"Ayoko nga."


"Aba, ikaw!" Hinabol niya si Ally at agad kiniliti to the point na pati ako nadamay at si Andrea.


"Hoy! Baka maano si Andrea——aray! Potek! Pfft." Hinampas ko ang kamay ni Bea sa akin na lalo niyang ikinatawa.


Sabay-sabay kaming napatigil at napatingin sa pintuan nang marinig namin na may nagdoor bell.


I'm Inlove With The Gangster QueenWhere stories live. Discover now