Chapter 20

5.3K 149 9
                                    

This is the updated version of Chapter 20. However, I'll update it once more if I encounter any problem. Thank you for your understanding!


Updated: August 29, 2021


Samantha's POV


"Ano bang lulutuin mo?" Natural na tanong ko kay Cris nang sa wakas ay makarating kami sa condo niya. Ang dami pang nangyari bago kami makapunta dito. Tss.


"What do you want? I can cook anything." Napamaang ako sa sinabi niya pero nakangisi na siya sa akin kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.


"Niloloko mo ba ako?" Bahagya pa niyang ginulo ang buhok ko bago natatawang nagsimulang magluto.


Nanatili ako sa living room at hinintay nalang siyang magluto. Kinuha ko pa ang phone ko para tanungin sila Bea kung anong ganap sa room.


Samantha:
How's school?


Allyza:
Tatlo lang daw class ngayon tapos pwede na umuwi. Nagbigay lang ng activity 'yung mga prof.


Andrea:
Oo nga, Ate Sam. Sana pala umalis nalang din kami dito.


Beatrix:
Nagreklamo pa kayo, eh naglalakad na tayo papunta ngayon sa parking lot para umuwi.


Natawa ako sa kanila at bahagyang tiningnan 'yung orasan dito sa condo ni Cris. 11am na kaya sakto lang sigurong umuwi na sila. Wala kaming afternoon class.


Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin kila Bea na hinarang kami kanina pero mas pinili kong hindi nalang sabihin dahil alam kong kahit sila, masasaktan sa sasabihin ko. Alam ko naman kasi na kaya nila ako kinakausap ngayon dahil akala nila, hindi na talaga ako aalis. Pero kailangan kong gawin 'yun.


Maya-maya pa naamoy ko na 'rin 'yung niluluto ni Cris kaya maglalakad na sana ako papunta doon nang mapakunot ang noo ko dahil tumatawag na naman sa akin si Harold.


"Bakit?"


Napabuntong-hininga pa muna siya bago nagsalita. "Samantha, nabawasan na naman ang tao natin. I can't bear to see this. Ang iba pa doon ay importante sa UDG. Hindi ko alam kung paano ako hahanap ng taong papalit sa mga pwesto nila."


Pinapasakit talaga ni Tobias ang ulo ko. Hindi pa ba sapat sa kaniya ang sagot ko na ako na mismo ang pupunta sa kaniya? "Anong nangyari?"


"Hindi namin alam, Samantha. Wala kaming alam sa kung ano ba talaga ang totoong nangyari." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niyang 'yun. "Nagulat nalang kami nang matagpuan namin sila dito sa UDG, patay na sila. Dito mismo sa UDG. May mga palatandaan na ang grupong red eye ang may kagagawan nun dah nag-iwan sila ng sulat para sa'yo."


"Anong nakalagay sa sulat?" Kunot-noong tanong ko. Kailangan kong malaman ang nakalagay doon. Napatingin pa muna ako kay Cris na napakunot pa ang noo nang makitang may kausap ako sa cellphone.


"Samantha, tama na daw ang panahon na ibinigay niya sa'yo. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mo na daw pumunta sa kaniya dahil papatayin niya daw lahat ng mahalaga sa'yo. Alam natin na dun magaling ang grupong 'yun. Gusto mo bang samahan kita?" Napatigil ako sa sinabi niyang 'yun. Sasamahan niya akong pumunta doon kahit delikado para lang sa UDG. Hanggang ngayon ay humahanga ako sa pagmamahal ni Harold sa lugar na 'yun.


I'm Inlove With The Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon