Chapter 21

5.1K 134 5
                                    

This is the updated version of Chapter 21. However, I'll update it once more if I encounter any problem. Thank you for your understanding!


Updated: August 29, 2021


Cristoffe's POV


"Damn it." Inis na sabi ko at agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Samantha pero kagaya lang din nila Kuya Sander, wala akong napala. Wala man lang akong nagawa. Bakit ba kasi nag-inarte pa ako kanina?! Kapag may nangyari lang talagang masama kay Samantha, sisisihin ko ang sarili ko. "What the hell is this?"


"Cris." Napatingin ako kay Jake na napabuntong-hininga pa bago muling tumingin sa akin. "Kumalma ka nga. Mahahanap din natin si Samantha."


"Mahahanap?! Are you kidding me?! Naririnig mo ba ang sinasabi mo?!"


"Pre, ano ba." Awat ni Samuel pero napaiwas na ako ng tingin sa kanila.


"Alam nga natin kung nasan si Samantha, pero wala naman tayong magawang hakbang para puntahan siya doon! Ni hindi nga natin alam kung buhay pa siya, e! Damn it!" Emosyonal na sabi ko.


Hindi ko na kayang kontrolin pa ang emosyon ko. Nag-aalala na talaga ako. Ang dami ng pumapasok sa utak ko at hindi ko nagugustuhan lahat 'yun. Hindi ko gusto lahat ng naiisip ko.


"Mom, nagpatulong na ako sa mga group na pinamumunuan natin. Sa ngayon, hindi natin alam kung marami ba ang kakampi sa atin lalo na't malaki ang grupo na hawak ni Tobias." Napabuntong-hininga pa muna siya bago tumingin sa amin. "Mahirap siyang kalabanin. That group is not just a simple group. We all know them. So, we need to think properly before we do something." Paalala niya na ikinatahimik naming lahat dahil tama siya. Hindi birong kalabanin ang grupo ng red eye dahil kakaiba sila. Naging malaking kaguluhan ang naging isyu sa pagkuha nila sa isang grupo sa Malaysia nung nakaraang taon.


"Hindi natin pwedeng pasamahin ang mga tao sa UDG dahil kailangan na si Samantha mismo ang magsasabi nun. Sinusunod lang nila kung ano ang iuutos ng Queen." Paliwanag ni Bea bago tumingin kay Harold na tumungo lang.


"Hindi ko na macontact si Tobias kaya gagawa nalang tayo ng plano." Seryosong sabi ni Tito na ikinalingon ko pero mas nakuha na ng atensiyon ko ang pagtunog ng cellphone ni Tita. Dahan-dahan niyang kinuha 'yun at binuksan ang message at lahat kami napamaang nang mabitawan niya 'yun habang umiiyak siya.


Shit...


Tila ba lahat kami ay natakot sa kung ano man ang laman nun. Sila Bea ay nagsimula ng maging emosyonal. Ako, hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko kaya agad akong lumapit doon at kinuha ang cellphone.


Nakita ko si Samantha na nakahiga habang nakatali ang mga paa at kamay nito. Nakita ko kung paano siya palibutan ng mga taong nakamask. Hindi ako pamilyar sa lugar kaya hindi pa ako makabuo ng plano ko.


"C-cris." Tawag ni Samuel pero binitawan ko na 'rin ang cellphone ni Tita at naglakad papaalis sa bahay nila.


"Cris!" Tawag ni Jake pero nagtuloy-tuloy na ako sa pag-alis. Kung ayaw nilang gumawa ng kilos para makuha si Samantha. Pwes ako, kukunin ko siya. Gagawin ko ang lahat makuha lang siya.


I'm Inlove With The Gangster QueenWhere stories live. Discover now