Chapter 24

5.2K 140 0
                                    

This is the updated version of Chapter 24. However, I'll update it once more if I encounter any problem. Thank you for your understanding!


Updated: August 30, 2021


7 YEARS LATER


Samantha's POV


It's been 7 years. Pitong taon na ang lumipas. At sa pitong taon na 'yun. Alam kong marami ng nangyari.


Natagpuan kami ng mga magulang ni Lanz na nag-aagaw buhay na. Nung nagising pa ako ay kinailangan ko pang hintayin na magising si Lanz para lang sabihin sa kaniya na nahanap na namin ang pamilya niya. Nakakaiyak ang pagkikita nila. Dahil kahit hindi pa dumadating 'yung DNA result, parang alam na nila Tita ang totoo.


Nakapagdesisyon ako na manatili sa kanila. Wala namang kaso sa akin 'yun. Kailangan ko pang magpagaling. Isa pa, umalis kami ng Pilipinas. After two months ng pagpapagaling, narealize nila Tito na mas mabuting sa US nalang kami manatili para sa kaligtasan ng anak nila. Sinabi ko ang lahat sa kanila. Naiyak pa nga si Tita pero wala na silang magagawa doon dahil 'yun naman talaga ang kapalaran ni Lanz.


"Doctora, bawal 'yang ginagawa mo." Inis kong nilingon si Lanz na nakatingin sa akin ngayon. Nandito kami sa isang Hospital na pinamamahalaan nila. I am a resident doctor, pati na 'rin ang isang 'to na hindi ko inakalang gusto din pala magdoctor. Sabagay, doctor ang pareho niyang magulang. Dapat ata ay hindi ko na itanong kung bakit doctor din ang kinuha niya.


"What the hell are you doing here? Aren't you assisting a medical operation?" Takang tanong ko sa kaniya na ikinangisi niya.


"I'm done. It was easy. Anyways, it's 7am. Last 2 days pa tayong nandito. Pwede na daw umuwi ang mga resident doctor. Basta bumalik daw mamayang 14:00."


"Actually, ikaw na nga lang ang hinihintay ko. Let's go." Yaya ko sa kaniya at nauna ng pumunta sa area namin. Nasa iisang room kasi kaming mga resident doctor ng pedeatric. Tapos may sariling room ang professor namin.


"Are you guys going home?" Arlene. Also a resident doctor. This is her last year here.


"Yup. How about you?" Tanong ni Lanz sa kaniya.


"Nope. I need to check my patient later. Anyways, keep safe, alright?" Paalam niya bago naglakad papaalis dala dala ang medical chart niya.


Kinuha ko na ang bag ko na inagaw naman agad ni Lanz at siya na ang nagdala nun. Pero ang hinayupak, ibinalik sa akin ang bag ko nang makita ang girlfriend niya.


"Babe! Uuwi ka na 'rin?!" Gulat na tanong niya kay Hannah na resident doctor din ng cardiology. She's half korean and half Filipino parang itong si Lanz. Bagay na bagay sila.


"Yes. Kayo 'rin?" Napangiti pa siya sa akin na ikinangiti ko na 'rin.


"Oo. Tara. Sa bahay ka na magbreakfast." Yaya ni Lanz at kinuha pa ang bag ni Hannah na ikinatawa ni Hannah.


"How about my car?" Oo nga. Bobo talaga nito ni La——


"Si Samantha na ang magdadrive diyan. Let's stay together." Napamaang ako sa sinabing 'yun ni Lanz. Putcha, nandito nga pala ako. Tss. Tumango lang si Hannah at ibinigay sa akin ang susi ng sasakyan bago ako hinila ni Lanz papunta doon sa sasakyan ng girlfriend niya.


I'm Inlove With The Gangster QueenWhere stories live. Discover now