Chapter 15

5.9K 168 6
                                    

This is the updated version of Chapter 15. However, I'll update it once more if I encounter any problem. Thank you for your understanding!


Updated: August 27, 2021


Bea's POV


Nandito pa 'rin kami sa UDG. Dahil kahit isa sa amin ay walang nakakaintindi kay Samantha. Ang hirap niyang intindihin. Palagi nalang ganito at naiiyak ako dahil makasarili siya. Gusto niya na naman na siya lang 'yung mamomroblema.


"Bakit hindi nyo pinigilan si Samantha Tanong ni Cris na ikinaangat ng tingin ko. Napabuntong-hininga pa muna ako dahil alam ko naman na kung anong meron sa kanila. Kay Samantha mismo nanggaling 'yun. Hindi din namin inaasahan sa napakabilis na panahon, magugustuhan ni Samantha si Cris. Si Cris na bigla nalang din dumating sa buhay namin.


"Hindi natin mapipigilan si Samantha sa mga oras na 'to. Nakapagdesisyon na siya at kapag nagawa na niya 'yun wala na tayong magagawa." seryosong paliwanag ni Ally kaya napaiwas na ako ng tingin dahil tama siya. Sa ilang taon namin na kasama si Sam, alam na namin ang ugali niya. Siya 'yung tipo ng tao na kapag nakapagbitaw na ng salita, gagawin niya 'yun kahit ikapahamak niya pa.


Lalo na kanina. Nung nakita ko 'yung mga mata ni Samantha kanina habang sinasabi sa amin ang mga bagay na 'yun, kakaiba ang naging epekto sa akin nun dahil desidido talaga siyang ibigay ang sarili niya para lang sa UDG. Handa siyang isakripisyo ang sarili niya para dito.


"I have a plan." Nakangising sabi ni Cris kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. Napataas naman ang kilay ko sa kaniya ganon na 'rin sila Ally.


"What is it?"


Tumingin naman siya sa amin ng diretso. "I need your cooperation."


"Effective ba 'yan?" Naguguluhan na tanong ni Samuel kaya inis siyang tiningnan ni Cris. "Baka naman hindi maganda 'yan, ah."


"Use me." Seryosong sabi ni Cris na ikinamaang ko dahil mukhang alam ko na kung ano ang plano niya at gusto ko 'rin 'yun.


"I'm in."


Samantha's POV


Habang nag-dadrive ako papunta sa apartment namin para magpahinga dahil wala naman dapat akong pasok ngayon nang bigla nalang may humarurot na sasakyan sa akin. Agad akong napamura dahil muntik na akong mabangga nun pero mas nagulat ako nang makita ang sasakyan ng taong 'to. Kagaya nga ng sinabi ko, dalawa lang ang taong nagmamay-ari ng sports car na gamit ko at mukhang ang isang taong 'to ang nakakuha nun.


Humarang siya sa harapan ko na ikinataas ng kilay ko kaya itinigil ko 'rin ang sasakyan ko at bumaba doon para lapitan ang taong humarang sa akin only for me to see Lanz.


"Hey, Samantha." Nakangiting bati niya sa akin na ikinangisi ko dahil naaamaze talaga ako sa kaniya. Pareho kami ng sasakyan ngayon. Naayos na kasi 'tong sports car ko, eh. Nung isang araw lang daw dumating sa UDG kaya eto ang ginamit ko ngayon.


"Ano na naman ang kailangan mo para harangan mo ang sasakyan ko?" Taas-kilay na tanong ko na ikinangisi niya.


"Have a date with me." Natawa agad ako sa sinabi niya nang mapansin na desidido talaga siyang mapapayag ako.


"Ayoko."


"I'm not going to accept that no. So, let's go." Natural na sabi niya at sasakay na sana sa sasakyan niya nang manatili ako sa pwesto ko. "Hey."


I'm Inlove With The Gangster QueenWhere stories live. Discover now