Chapter 22

4.9K 137 3
                                    

This is the updated version of Chapter 22. However, I'll update it once more if I encounter any problem. Thank you for your understanding!


Updated: August 29, 2021


Samantha's POV


Nagising ako dahil ramdam ko ang isang tao na tila ba nakatitig sa akin. Hindi maganda sa pakiramdam ang ganon lalo na kung nasa ganitong klaseng lugar ako kaya agad kong idinilat ang mga mata ko at tumama 'yun sa lalaking napaiwas pa ng tingin sa tingin.


"Kumain ka muna." Mahinang sabi niya at inilagay sa table ko ang isang plate ng pagkain. Napansin ko na 'rin sa lugar na 'to ang ilang pamilyar na gamit ko.


"Are you one of them?" Diretsong tanong ko na ikinabuntong-hininga niya. Lumapit pa siya sa pintuan at may sinabi doon sa dalawang bantay kaya umalis pa muna 'yun bago siya muling umupo sa kama na hinihigaan ko.


"I'm sorry."


"Whatever." Inis na sabi ko at kinuha 'yung tray na hawak niya. Kakain nalang ako kesa kausapin siya ng ganito. Nadisappoint ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan nang makita siya dito.


Napangisi pa ako dahil mabuti naman at pinakain pa ako ng matandang 'yun bago niya kunin ang kailangan niya sa akin. Akala ko ay wala na siyang puso ng tuluyan, pero mukhang hindi pa naman siya ganon kalala dahil maganda pa 'rin naman ang kwarto na tinutuluyan ko at may pagkain pa ako.


"Gusto mo ba ang ginagawa mo? Huh, Lanz?" Seryoso kong tanong na dahan-dahan niyang ikinalingon. Napamaang pa siya sa tanong kong 'yun. Hindi ko kasi talaga alam kung bakit napakabait naman niya pero isa pala siya sa mga tauhan ni Tobias. Hindi 'yung tipo ni Lanz ang makikita ko sa ganitong lugar.


"Wala akong choice, Samantha."


"What do you mean?" Napabuntong-hininga naman siya sa tanong kong 'yun. Hindi ako mapapakali dito kung hindi ko malalaman kung ano bang koneksiyon niya sa taong pinakakinakaayawan ko.


"Simula bata pa ako ay si Tobias na ang tumayong magulang ko dahil iniwan ako ng pamilya ko. Iniwan nila ako at hindi na binalikan pa Bata palang ako ay pinagkaitan na ako ng mundo, Samantha." galit na sabi niya sa akin. Ngayon ko lang siyang nakitang ganiyan. 'Yung paraan ng pagtingin niya sa akin ay kakaiba.


"Dalawa naman tayong pinagkaitan ng mundo kaya bakit nagkakaganyan ka?"


"Maayos na ikaw ngayon. At masaya ako dahil doon. Tsaka isa pa, wala naman na akong balak bumalik pa sa pamilya ko dahil masaya na ako sa buhay ko ngayon." Napamaang ako sa sinabi niyang 'yun. Masaya na siya na nandito siya kay Tobias?


"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Tanong ko kaya napaiwas siya ng tingin sa akin. Nahihiya siya sa sinabi niyang 'yun at mukhang wala ng balak sagutin ang tanong kong 'yun. Kaya naman napabuntong-hininga nalang ako at muling kinain 'yung pagkain sa harapan ko. "Anong oras ba ako dadalhin dun sa laboratoryo niyo?" Tanong ko ulit na ikinaangat na ng tingin niya. Tumingin pa siya sa labas bago tumingin ulit sa akin.


"Maya-maya pa. Inaayos pa ang laboratoryo." Natural na sabi niya na ikinatango ko. Nakakapagod pala makipagtalo.


"Pwede ba akong makitawag sa'yo?" Tanong ko sa kaniya na ikinagulat niya pa. Kanina kasi ay kinapa ko ang bulsa ko, pero wala na ang cellphone ko. "Pwede ba? Baka nag-aalala na sila Mommy."


I'm Inlove With The Gangster QueenWhere stories live. Discover now