This is the updated version of Chapter 12. However, I'll update it once more if I encounter any problem. Thank you for your understanding!
Updated: August 25, 2021
Samantha's POV
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Gusto niya ako? What the?
"What the hell is wrong with your reaction?" Inis na sabi niya na ikinamaang ko. "Sa tingin mo imposible din na mapansin niya ako?"
Siraulo ba siya??
"S-sino nga ulit 'yung sinabi mo?" Baka namali lang ako ng rinig. Kasi parang imposible naman ata 'yung sinasabi niya. I mean, Queen Katana? Hello? Si Que——
"Si Queen Katana of UDG. I told you already." Kunot-noong sabi niya. "Do you know her?"
Malamang, putcha. Ako 'yun, eh.
Damn it!
Isa pa 'tong puso ko! Ang bilis-bilis ng tibok! Ano bang nangyayari sa akin kapag nasa harapan ko ang isang 'to? Hindi na nga siya healthy sa utak ko, pati ba naman sa puso ko hindi? Argh!
"I need to go home." Diretso kong sabi na ikinataas ng kilay niya. Nagtatakha siguro kung anong nangyayari sa akin dahil kahit ako, naguguluhan na 'rin ako sa sarili ko. Nakakainis! Hindi naman ako nailang ng ganito sa isang tao! Sa kaniya lang talaga!
"Alright. Ihahatid na kita." Natural na sabi niya at nauna ng pumasok sa loob. Nang makababa kami ay nakita pa naman ang parents niya na nanonood ng news at si Ate Cassy na naglalaptop. Sabay-sabay silang napatingin sa amin nang mapansin ang presensiya namin. "Ihahatid ko na siya sa kanila. It's late."
Tumayo naman sila Tita at agad yumakap sa akin. "Babalik ka, ha? Aabangan ko ulit namin."
"Yes, Tita. Thank you."
"Sorry sa tinanong ko kanina, iha. I hope you're okay." Sabi naman ni Tito na ikinangiti ko kaagad.
"No worries, Tito. It's fine."
Napatingin naman ako kay Ate Cassy na niyakap pa ako ng mahigpit na ikinangiti ko din naman. "Come back, alright? Let's see each other again. I'll wait for you."
"Thank you so much, Ate Cassy."
"Oh come on, that's fine. Just come back." Nakangiti niyang sabi na ikinangiti ko bago naglakad papunta doon sa labas nila kung saan nandoon ang sasakyan ni Cris.
Kasalukuyan kaming nasa byahe nang biglang may tumawag sa kaniya. Since nakaconnect naman 'yung phone niya sa sasakyan, kahit ako ay napatingin na 'rin doon.
"Hey, kuya Sander." Napatigil ako sa narinig ko. Sa tuwing naririnig ko ang pangalan na 'yun, ibang kaba ang ibinibigay sa akin. Hindi ko alam pero natatakot ako. Natatakot ako na baka tama ang hinala ko.
"I'm going to your University on Friday."
"Why?" Kunot-noong tanong ni Cris kaya napaiwas nalang ako ng tingin.
"I need to get my previous research. Is it okay?"
"Of course. How about Ate Cassy? Is she coming?"
YOU ARE READING
I'm Inlove With The Gangster Queen
ActionSamantha Lopez was describe by many people as dangerous, scary and heartless. According to them, she is the most dangerous person that they have ever met. But, despite its frightening and resilient presence is the soft heart wrapped in anger because...