Twenty-Eight

51.4K 1.5K 330
                                    

Twenty-Eight


Alas-kuwatro pa lang ng umaga ay niyuyogyog na ako ni Harry para magising kaya medyo nairita ako sa kanya. I glared at him. Mukhang bagong paligo na siya kasi tumutulo pa ang tubig sa mukha ko galing sa buhok niya dahil ang lapit ng mukha niya sa akin.

I pulled myself up and yawned.

"We've got to get going. Kailangang makarating tayo sa Basco ngayong gabi." Anunsiyo niya sa akin.

I wiggled my toes. Sobrang lakas ata ng aircon. Nalalamigan ako. Maayos na ang lahat ng mga gamit ni Harry, parang ready to go na. Samantalang ako ay maliligo pa lang. Tamad akong nagpunta sa CR at nagsimula nang maligo. Napamura pa ako nang malamang wala palang hot water sa traveller's inn na ito kaya sobrang lamig ng tubig nang bigla kong i-on ang shower.

Pagkalabas ko ay nakatalikod na si Harry sa akin kahit na nakabihis na ako. Mukhang may binubutingting siya sa iPad niya. Nagmadali ko nang ayusin ang mga gamit ko. Nilingon naman niya ako. Para siyang nagulat sa pagmumukha ko kaya kumunot kaagad ang noo ko.

"Bakit?" I queried, confused by the surprised look on his face. Kaagad siyang umiling.

"Wala naman." Sagot nito kahit na alam kong meron naman. But I did not press him any further. I prepared for the trip. Nginitian ako ni Harry kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Para kang timang."

"Wala," Napailing ito, nakangiti pa rin. "This is my first time seeing you without any make-up on. Although you do not use too much make-up, but still, it's refreshing. You're beautiful, you know that?"

Ako naman ang nanlaki ang mga mata sa biglang sinabi niya. "Nilalandi mo ba ako?" Hindi ko napigilang sabihin.

Tumawa nang malakas si Harry. "No, I'm not. It's called a compliment. I am praising the sister of my girlfriend."

My heart stung a bit. Kitang-kita ko ang genuineness sa mukha ni Harry. Kahit na wala na pala si Ate Annie, tinatrato niya pa rin ang sarili niya na in-relationship. Ang swerte naman pala ng ate ko kung ganun.

Hindi ko na siya sinagot. Nagmadali nalang ako sa pagliligpit ng mga gamit ko. Nagcheck-out na kaming dalawa. Bago kami lumabas ay tinanong pa kami ng security guards kung namumukhaan pa ba daw namin ang mga lalaking humarass sa akin kagabi. Kailangan daw nila ng impormasyon para hindi na makapanggulo ang mga lalaking iyon sa lugar na ito sa susunod.

Kinausap ko naman sila habang si Harry ay nauna na sa kotse. Nagpasalamat sa akin ang mga security guards bago ako umalis. Kaagad akong tumakbo sa parking lot pero wala na ang kotse ni Harry. Nagtaka naman ako. Hindi naman siguro ako iiwan ng mokong na iyon dito, ano?

Napatalon ako nang bahagya nang may bumusina sa may likuran ko. Paglingon ko, si Harry lang pala. Kaagad akong pumasok at hindi na nagtanong kung saan siya nanggaling. Instead, I put my hands on my tummy and said, "Gutom na ako."

"Yeah, me too." He agreed. "Let's have something to eat bago tayo magpatuloy."

"Okay." I chirped. Bumaba kaming dalawa sa harapan ng isang local bakery. I'm not really a heavy eater kapag umaga so we both settled on eating bread and a cup of instant coffee.

Nagkuwentuhan na naman kaming dalawa habang nag-aagahan. Nalaman kong may-ari pala ng car manufacturing ang Dad niya kaya ganun sila kayaman. Ang mama naman niya, matagal nang wala. Simula daw nang mawala ang mama niya ay nagsimula nang mag-rebelde ang ate niya. Sinisisi niya ang Dad nila sa pagkawala ng mama nila kaya hindi sila masyadong magkasundo sa bahay nila. Hindi naman niya ipinaliwanag sa akin kung bakit at hindi ko na rin tinanong. Mukhang masyado na atang personal sa kanya.

Mary GraceOù les histoires vivent. Découvrez maintenant