Chapter 3 - Meet Crystal Lether

5.7K 183 4
                                    

*Princess Yuri/Crystal's POV

I'm Crystal Leather,18 years old,rich girl yeah mayaman kami Si Grandpa ang may ari ng school na pinapasukan ko at sinabi ko sa kanila na wag nilang sabihin na may amnesia ako dahil ayaw kong kinakaawaan ako kinakatakot ko din kung ma bully ako don noh.

"Milady nandito na po tayo sa school niyo" sabi ng driver namin at bumaba na ako

Ang daming estudyante mga mayayaman kinakabahan ako sinaulo ko yong map na binigay ni mom sa akin para malaman ko ang room ko.

Habang nasa hallway ako napapansin ko na ilag sila sa akin takot na mahawakan ako bakit? Hindi naman ako nerd? Wala naman akong putok? Hindi naman ako bad breath? Whyyyy???  Tsk nevermind

"Andyan na si princess"

"Omg nandito na si Queen bee"

"Wag kayong maingay malalagot tayo kay Queen Bee"

What's happening? Bat nababasa ko ang isip nila? Lahhh anong nangyayari? Ako? Queen Bee ng School?? OMG

Naputol ang iniisip ko ng may humawak sa braso ko well hindi ko siya kilala. Kelangan galingan ko ang pag acting.

"How are you crystal? 4 months kang hindi pumasok? Sabi ng dad mo pumunta kayo sa France?" Sabi niya na ngumiti mukhang close siya sa akin kainis bat kasi may amnesia pa ako

"I'm Doing Good" cold kong sabi at nagpatuloy ng naglakad

"Alam kong maldita ka bessyyy pero bat ang cold mo sa akin??" Sabi niya may pagka childish tong babaeng to

"Sorry bes nanibago lang ako kakapasok ko lang oh" sabi ko na pinilit ngumiti

Ewan ko ba maski magulang at ate ko nagtataka sa akin mula ng naaksidente ako ang cold ko na daw dati naman daw ang daldal ko at makulit.

"Hmmp tara na nga pumasok na tayo sa room" sabi niya at hinila na braso ko papunta sa room

Pagpasok namin hindi namin ini expect na mabuhusan ako ng juice ng classmate kong babae kitang kita ko na namumutla at nanginginig siya ng makita ako

"A..hhhh c..crsyta..l I'm so..rry hindi ko s..inasadya" nauutal niyang sabi pati classmates namin nagulat at natatakot sa pwede kong gawin at binasa ko ang mga nasa isip nila

"Mabuti nga kay kath lagot siya kay Queen bee"

"Nako kawawa si kath pagiinitan siya ni Queen bee"

"Mukhang galit si Queen lalo na kapapasok lang niya"

Binasa ko naman ang sa isip ni bes

"Hala iba pa naman magalit si bes ayaw na ayaw niya nadudumihan ang uniform niya kawawang kath"

Huminga ako ng malalim at nakita ko na lalo siyang kinabahan at nanginginig na ang tuhod niya

"Apology Accepted. Don't worry hindi ako galit next time tumingin ka na lang sa dinadaanan mo" sabi ko sa kanya at nakita ko naman na napanganga sila

"Tsk punta lang ako kay tita may alam ko may extra uniform siya" sabi ko kay bes ay pumunta sa office ni tita

Nakita ko naman na pati siya napanganga sa inasal ko

TOK....TOK...TOK
Katok sa pinto ni Tita at pumasok na

"Oh anong nangyari sa uniform mo?" Tanong ni tita

"Nabuhusan ako ng classmate ko" cold kong sagot

"May extra uniform ka tita?" Tanong ko sa kanya

"Meron para sayo my beautiful neice" sabi niya at binigay niya sa akin ang uni at pumunta na ako sa bathroom at sinimulan ko na magpalit ng damit

Lumabas na ako ng bathroom at tumingin siya sa akin

"You know what crystal ang laki ng pinagbago mo. Siguro kung ikaw ang dating crsytal nako magsisigaw ka dito at sasabihin mo sa akin na e kick out kung sino man ang nagbuhos sayo ng juice" natatawang sabi ni tita

"Tsk ganon ba ako dati? Well People Change tita" sabi ko habang inaayos ko ang sarili ko

"Hahaha oo nga at isa kana don"sabi niya

"Alis na ako tita baka ma late pa ako sa Klase ko"
-----------------------

Pagpasok ko ng room buti na lang wala pa si prof  nakita ko naman nakatingin sila sa akin binasa ko ulit ang mga iniisip nila

Hahaaha ewan ko ba ang weird pero astig may ability ako I'm a mind reader lol

"Omg ang ganda talaga ni Crystal"G1

"Kahit naka uniform angat pa din ang beauty niya"B1

"Himala hindi muna siya maldita ngayon ano kayang nakain niya"B2

"Hmp mayaman ka lang eh kala mo kung sino"G2

"Bitch"G3

Bitch?? Well tignan natin kung sino ang bitch. Lumapit ako sa kanya at nagulat naman siya

"San ka ba pupunta? Sa party? Aga mo naman mag make up para maging Clown" sabi ko na nakangiti

At nagtawanana naman ang mga classmates namin ayon namula sa kahihiyan dapat lang sa kanya yan noh tseee.

Nanahimik na kami ng pumasok na si prof.

"Class ready na ba kayo bukas sa camping ??" Tanong ni sir

"camping?" Takang tanong ko naman

"Oo girl may camping tayo ayaw ko nga sumama ehh magubat kasi yon nakakatakot"

Nagsimula na magturo si sir ayon na gets ko naman sadyang matalino talaga ako hehehe charooottt.

Kei Academy- Return of The Princess  (Book 2)Where stories live. Discover now