Chapter 47

4.2K 119 12
                                    

Princess Yuri's POV

Nagising ako sa malamig na lugar palinga linga ako sa paligid dahil napaka dilim at ang hinihigaan ay sira sira halatang matagal na yon at maalikabok

"Ouch" daing ko nang makalimutan ko na nakagapos pa din ang kamay ko

Buti na lang hindi nila tinali ang paa ko nasagad ko na talaga si mom kaya pinatapon niya ako dito sa pangit at maruming selda na to

Napansin ko na parang nagkukutkot sa semento inanigan ko nang mabuti isang may edad na babae magulo ang buhok at madungis nakakaaawa ang itsura niya

Lumapit ako sa kanya at nagulat siya

"Wag kang lalapit" animo na may gagawin akong masama sa kanya pero lumapit pa din ako

"Sabi kong wag kang lalapit"sabi niya at tinulak ako halata sa mukha niya ang takot

"Hindi ako masama anong ginawa mo at kinulong ka nila dito?" Masuyong sabi ko dahil halata sa mukha niya na natetense siya

"Wag mo akong kausapin lumayo ka" sabi niya at parang bata na maiiyak dahil baka mapagalitan ng magulang pero hindi ko siua pinakinggan lumapit pa din ako "SABING LUMAYO KA EH" sigaw niya

Halatang matindi ang pinagdaanan niya. Nacucurious ako kung sino siya? Halatang matagal na siyang kinulong dito.

Pero dahil may katigasan ang ulo ko lumapit ako sa kanya at yinakap siya hindi ko maintindihan kung bakit magaan ang loob ko sa kanya nagpupumiglas parin siya sa pagkakayakap ko

"Shhhh kaibigan mo ako mapagkakatiwalaan mo ako mas magaan sa pakiramdam kung magsasabi ka kung anuman ang nasa loob mo nakakabawas yun sa bigat nang dinadala mo promise epektib yon" sabi ko sa kanya at naramdaman ko na tumigil na siya sa pagpupumiglas at humagulgol na siya

"Masama akong babae at ina sa dalawa kong anak na babae at alam ko kahit mamatay pa ako hinding hindi ako mapapatawad ng anak kong panganay" kwento niya habang umiiyak yinakap ko naman siya

"Tradisyon kasi namin na kelangan magkaroon ng anak na walang tumatayong asawa kelangan lang namin ng anak na tagapagmana dahil pag umibig ka isa yon sa magiging kahinaan mo kaya pinagbabawal na umibig lalong lalo na sa kaaway mo.

Nagkaroon ako ng anak sa lalaking hindi ko mahal pero siya ang napili ng ina ko at pagkatapos magbunga pinatay siya ni ina para walang kumplikasyon wala naman akong naramdaman na sakit sa pagkawala ng ama ng anak ko dahil hindi ko naman siya mahal at matigas talaga ang puso namin...

Pagkalipas ng sampong taon may nakilala akong lalaki hindi yun sinasadya namamasyal lang ako at balak kong manghuli ng usa nahulog ako sa bangin at siya ang nakakita sa akin at hindi sinasadya na nagustuhan ko siya sa una namin pagkikita love at first sight kumbaga nakaramdam ako ng bilis ng tibok ng puso at hindi inaasahan na may nangyari sa amin ang masakit may asawa at anak na siya inamin niya sa akin yon pagkatapos may mangyari sa amin dahil sa sakit nang nalaman ko agad akong umuwi sa amin at kinalimutan ko na siya pero nagbunga ang kapusukan namin

Nagtago ako sa lahat at mag isang sinilang ang sanggol alam kong manganganib siya sa pamilya ko kaya palihim akong nakipagkita sa ama ng pangalawa kong anak at binigay sa kanya ang anak ko dahil alam kong ligtas siya sa ama niya at nagdesisyon na akong umuwi sa amin at dahil matalino ang aking ina kaya nalaman niya na nagkaroon ako ng anak sa iba at may balak siyang patayin ang anak ko kaya napatay ko ang ina ko at nasaksihan lahat yon nang panganay kong anak kaya hanggang ngayon hindi niya ako mapatawad at puro poot ang nararamdaman niya sa akin" kwento niya halatang nahihirapan naawa ako sa kanya kaya hindi ko mapigilan umiyak sa kwento niya

"45 years na akong nakakulong dito at araw araw kung pinagbabayaran ang kasalanan ko" pagpapatuloy niya hinahaplos ko naman ang likod niya hindi ako marunong mag comfort mula paglaki ko kasi mailap na ako sa lahat

Kei Academy- Return of The Princess  (Book 2)Where stories live. Discover now