Chapter 36

4.7K 138 8
                                    

~Princess Yuri/Crystal's POV

"Crystal yohooo tulala ka diyan?" Sabi ni Danielle andito kami sa room magkatabi kami sa right side ko siya left side naman si Enzo wala pa siya buti naman sana hindi muna siya pumasok para tahimik ang buong araw ko

"Ha?" Sabi ko at lumingon sa kanya

"Ikaw ha lalim ng iniisip mo si Ezo ba yan? Bagay kayong dalawa kinikilig ako" sabi nya at sinusundot pa ang tagiliran ko

"H-hindi ah ba-bakit ko naman iisipin yung bwisit na yon" nauutal kong sabi at umiwas ng tingin

"Eh bakit nauutal ka? At namumula ka? Aminin nay gusto ka na sa kanya noh?"

"Wala ah" sabi ko pero hindi ko pa din siya tinitignan kunwaring busy ako nagbabasa ng libro

"Pero alam mo friend sayo lang yon ganon ikaw lang ang niligawan non. Eh babae kaya nanliligaw sa kanya"

"Seryoso may puwang na ba siya sa puso mo?"

Nagbuntong hininga muna ako at tumingin na sa kanya

"Hindi ko sure. Nalilito ako.Kasi hanggang ngayon iniisip ko pa din si aki pero hindi na ganon sa dati. Nalilito pa din ako. Alam mo naman na nasaktan ako sa kanya diba ? Kaya takot na ako umibig natatakot na ako masaktan" sabi ko sa kanya at hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko

"Shhh tahan na. Pero malay mo diba si Ezo na pala ang destiny mo? Bigyan mo siya ng chance mapatunayan na karapat dapat sayo. Alam kong maloko siya pero nagbago na siya at dahil sayo yun. Deserve mo maging masaya"

Sasagot sana ako ng biglang may nagbukas ng pinto at si Enzo pala na may dalang tulips

"Para sayo gorgeous" sabi niya at inabot ang bulaklak tinanggap ko naman

"Thanks" tipid kong sagot

"Mamaya sabay na tayong mag lunch" sabi niya nakatutok lang ako sa libro pero nararamdaman kong nakatitig siya sa akin

"Matutunaw ako niyan?" Sabi ko at lumingon na sa kanya at nagulat naman siya kita kong namula siya. Ang cute niya tuloy.

Aasarin ko pa sana siya pero dumating na si prof at may kausap siya

"Mr. Montre, Mr. Tero, Mr. Weiz, Ms. Villanueva, Ms Lether, Ms. Sentri at Ms. Lavin pinapatawag kayo ni HM" sabi ni prof at nagsitayuan na sila

"Tara na gorgeous" sabi niya at humawak sa beywang ko

"Hoy mr. Chansing na yan ha" sabi ko at tinanggal ang pagkakahawak niya sa beywang ko

"Hahaha akala ko makakalusot na" sabi niya at pinisil ang pisngi ko

"Tss ang sakit ha. Tara na nga" sabi ko at inaayos ang gamit ko

"Bes iba yang ngiti mo. Yieee kinikilig. Sagutin mo na kasi" sabi ni danielle. Makulit talaga tong babaeng to

"Atat lang? Ikaw na lang kaya sumagot sa kanya. Bagay kayo eh parehas makulit" sabi ko at naglakad na

"Grabe siya" sabi niya at nag pout

"Gorgeous ang bilis mo naman maglakad sabi ko sabay tayo eh" sabi niya sabay akbay sa akin

"Ang bagal mo eh. Daig ka pa ng babae" sagot ko at tinanggal ang pagkaka akbay niya

"Kinausap kasi ako ni renz eh. Basta ha sabay tayo mag lunch." Sabi niya

Nandito na kami sa office ni HM

"Anong kelangan niyo sa amin Hm at pinatawag niyo kami?" Sabi ni Renz

"May ibibigay akong mission sa inyo napag alaman namin na pupunta ang mga royalties ng Kei Academy sa Geken City bukas gusto namin na patayin niyo sila"

Hah? Papatayin sila? Parang hindi ko kaya naging kaibigan ko sila kahit sinaktan nila ako

"Anong kelangan nila at pupunta sila sa Geken City?" Tanong ni Ezo

"Dahil susunduin nila si Princess Loisa ang kapatid ni Queen Louise dahil napagalaman nila na buhay pa siya at doon siya nakatira sa Geken City at isa sa siya malakas kaya malaki siyang sabagal sa atin kaya kelangan niyo siyang mapatay"

"Bakit kasama ako HM? Bago lang ako dito" sabi ko

"Well sabi nila Princess Venus na magaling ka at malakas kaya hindi kami nag dalawang isip na isama ka sa mission" sabi ni HM na seryosong nakatingin sa akin

"Pwedeng tumanggi? Pwedeng hindi sumama?" Sabi ko

"Ms. Lether bawal tumanggi gusto mo bang maparusahan?" Seryosong sabi ni HM

"Ehh kasi naman HM eh. Sige na next mission na lang ako sasama" hirit ko pa

"Gusto mo ma detention ulit?" Sabi niya at tumayo na

"Ayaw  ko noh nakakatakot kaya don. Masama pakiramdam ko HM hindi ako makakasama bukas" sabi ko at nag pa puppy eyes  first time ko lang ginawa to kainis talaga

"Hindi mo ako madadaan sa ganyan Ms. Lether sige na umalis na kayo kasama ka bukas Ms. Lether tama na ang mga dahilan mo" sabi ni HM

No choice na makikita na nila ako. Kalaban na nila ako patawad mga dati kong kaibigan mahal ko kayo pero kelangan ko tong gawin.

Kei Academy- Return of The Princess  (Book 2)Where stories live. Discover now