Chapter 40

4.1K 123 9
                                    

~Princess Yuri/Crystal's POV

"Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ni ate venus sa akin na seryosong seryoso ang mukha napalingon naman ako sa likod niya at nagtama ang mata namin ni queen reika

Bakit ganon ang nababasa ko sa mga mata niya lungkot? Pagkasabik? Hindi ko malaman

"Bakit hindi ka makasagot?" Tanong niya halata ang pagka irita sa boses niya

"Hindi po napadaan lang ako papaunta sana ako sa throne room para kausapin kayo"pagsisinungaling ko tinitigan niya akong mabuti kung nagsisinungaling ba ako

"Anong kelangan mo?" Tanong ni Queen reika naiilang ako sa pagtitig niya sa akin

"Ano ka-kase" f**k nauutal ako bakit kasi nakakatakot ang aura nila?

"Hahaha wag kang kabahan lil sis" sabi ni venus pero napahinto siya agad dahil sa sinabi niya

"Lil sis?" Sabi ko na kunot noo si queen reika naman tinignan lang niya si venus at napangiwi naman siya

"Para na kasi kitang sister magaan ang loob ko sayo. So ano bang sadya mo at nandito ka sa palasyo?" Sabi ni ate venus at hinawakan pa ako sa braso

"Papaalam sana ako na pumunta sa mortal world birthday kasi ni mom namimiss ko na din siya" sabi ko na kinakabahan

Sana pumayag! sana pumayag!

"NO" madiin na sabi ni Queen reika nakita ko ang pagdilim ng mukha niya

"Pumayag na po kayo. Miss na miss ko na kasi sina mom at dad pati na din ang ate ko matagal ko na silang hindi nakikita" sabi ko sa kanila

Natahimik naman sila at bumitaw si ate venus sa pagkakahawak sa braso ko nakita ko ang lungkot at inggit sa mukha nila

Bakit ganon ang reaction nila sa sinabi ko?

"Pa sinabi kong hindi HINDI okay? Kung ayaw mong maparusahan" malamig na sabi ni Queen reika at tumalikod na sa amin at naglakad na pero humarap ulit siya

"Bago ko makalimutan hiwalayan mo si Ezo ngayon din at bukas na bukas dito ka muna sa palasyo hindi ka muna papasok sa academy" sabi ni Queen reika at tuluyan ng umalis

Ano? Hihiwalayan ko si ezo? No hinding hindi ko gagawin yon mahal ko siya

Hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang luha ko at naramdaman kong pinunasan ni ate venus kaya napatingin ako sa kanya

"Ate venus hindi ko kaya malayo kay ezo hindi ako makikipaghiwalay sa kanya mahal ko siya mahal na mahal" sabi ko sa kanya at patuloy pa din sa pagiyak

"Crystal makinig ka na lang kay mom gawin mo na lang ang inuutos niya para sayo din yon. Mahirap kalaban si mom kung hindi ko gagawin ang inuutos niya sigurado akong may gagawin siyang masama kay ezo at hindi lang sa kanya pati din sa pamilya ni ezo kaya kung ako sayo sundin mo n lang siya" sabi ni ate venus at bakas sa mukha niya ang awa sa akin

"Pero bakit? Hindi ko maintindihan eh. Bakit ayaw niya kay ezo bakit tutol siya sa pagmamahalan namin? Wala naman batas na bawal magmahalan maiintindihan ko pa kung prinsesa ako dahil bawal umibig ang dugong bughaw sa ordinaryo lamang pero hindi eh. hindi naman kaming dugong bughaw ni ezo bakit tutol siya? Naguguluhan ako" sabi ko sa kanya at hawak hawak ang buhok ko

Iisipin ko pa lang na mawawala sa akin si ezo mababaliw na ako.

"Wag nang matigas ang ulo crystal gusto mo bang masaktan? Sundin mo na lang si mom tara na hatid na kita sa academy at gusto ko bago matapos ang araw na to hiwalay na kayong dalawa. Please para sayo din to" sabi ni ate venus napayuko na lang ako

Bakit kung kelan masaya ako kelangan mangyari pa ang bagay na to? Wala na ba akong karapatan maging masaya? Bakit ang daming hadlang sa amin dalawa?

Naglalakad na kami papasok sa academy nasa likod ko lang si ate venus hindi ko siya kinakausap dahil masama ang loob ko

"I'm sorry crystal pero para sayo din tong ginagawa namin maiintindihan mo din ang lahat balang araw" sabi niya at ramdam ko naman ang sincere siya kaya napalingon ako sa gawi niya

"Para sa akin? Baki ano bang meron sa akin?" Mapaklang sabi ko "Bakit ang selfish niyong mag ina? Bakit nakikialam kayo sa buhay ko pati lovelife ko? Hindi pa ba sapat na tinalikuran ko ang mga kaibigan ko at kumampi sa inyo? Ano pa bang kelangan niyo? Ginawa ko naman ang lahat ng inutos niyo ah pati ba naman pagmamahalan namin ni ezo papakialaman niyo pa din? Patayin niyo na lang ako total wala na din kwenta kung mabuhay pa ako" Sabi ko sa kanya at kita ko ang mukha niya na galit na galit pero wala akong pakialam dahil manhid na ako naramdaman ko na lang ang malakas na dampi sa pisngi ko

Sinampal lang naman ako ni ate venus

"Gustong gusto mong mamatay noh? Diyan ka magaling!Hindi ka pa din nagbabago alam mo ikaw ang makasarili dahil kahit kelan hindi mo kami tinanggap sa buhay mo dahil hinusgahan mo na kami dahil para sayo napakasama namin. hindi mo alam na labis mong sinaktan si mom dahil sa desisyon mo noon oo nga pala wala ka nga palang paki sa amin dahil sarili mo lang ang iniisip mo. At ang mamatay?" sabi niya at nakita ko ang patak ng luha sa mga mata niya

Si princess venus umiiyak? Siya na mabagsik at walang pakiaalam na prinsesa umiiyak sa harapan ko

"Noon? Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi mo may dapat ba akong malaman?" sabi ko na naguguluhan dahil hindi ko alam kung ano ang pinanghuhugutan niya

"Tss kalimutan mo na lang ang sinabi ko basta alam mo na ang gagawin mo kung hindi mo siya hihiwalayan ako ang papatay sa kanya at hindi ako nagbibiro crystal at bukas din sabay tayong pupunta sa palasyo" sabi niya at nauna nang naglakad palayo sa akin at naiwan ako na bagsak balikat

Ezo tandaan mo mahal na mahal kita.Sana mapatawad mo ako

Kei Academy- Return of The Princess  (Book 2)Where stories live. Discover now