Chapter 48

4.1K 121 11
                                    

~Princess Yuri's POV

"Mom?" Sabi ko nang makita ko siya na nakatayo sa harap namin kinusot kusot ko pa ang mata ko kung totoo ngang siya yun

Tinignan lang niya ako saglit at lumingon na siya sa babaeng kasama ko hindi niya din sinasabi ang pangalan niya nakailang tanong na ako ayaw talaga

"Ilabas niyo siya" utos ni mom sa royal guards

"Anong balak mong gagawin sa akin?" Tanong niya

"Malalaman mo din" sagot niya "ano pang hinihintay niyo? Ilabas niyo na siya k kayo ang malilintikan sa akin?" Sabi niya at daling dali hinila siya

"Mom san mo siya dadalhin? Hindi ka ba naawa sa kanya?" Sabi ko at hinawakan yung babaeng kasama ko dito sa selda naaawa ako sa kanya hindi ko maintindihan magaan ang loob ko sa kanya

"Wag kang makialam gusto mo bang maparusahan ha?" Sabi niya at tinanggal ang pagkakahawak ko sa babae na yon

Kita ko ang galit ni mom sa babaeng yon bakit kaya? Anong meron bakit ganon siya sa kanya?

"Hindi mo pa din ba ako napapatawad anak? Matagal nang panahon yon at pinagsisihan ko na yon" sabi nung babae

Ano daw? Anak? Ibig sabihin si mom yung tinutukoy niya sa kwento niya at lola ko siya? Kaya pala magaan ang loob ko sa kanya

"Tumahimik ka! Kahit kelan hindi kita mapapatawad at kahit mamatay ka pa" sabi ni mom

"Anak nagsisisi na ako bakit hindi tayo magsimula? Mahal na mahal kita anak" sabi niya

"Tumahimik ka hinding hindi mo ako mapapaikot at sisiguraduhin kong mahahanap ko ang anak mo na bunga ng kataksilan mo" sabi ni mom

Palipat lipat lang ako ng tingin sa dalawa hanggang sa nakaalis na ang mom niya

"Ikaw naman" sabi ni mom na mariin nakatingin sa akin napakagat labi na lang ako "wag kang magbalak tumakas dito" sabi niya at akmang tatalikod na pero hinawakan ko siya sa braso niya "mom pwede bang tanggalin mo na to" nguso ko sa kamay ko na nakagapos pa

Binigyan lang niya ako nang nakakapatay na tingin napanguso na lang ako

"Sabi ko nga" sabi ko na lang at hindi na tumingin sa kanya

~Queen Louise's POV

"Mom" umiiyak na sabi niya at nakayuko pero nakikita ko ang patak ng luha niya nilapitan ko siya pero papalayo ng papalayo hindi ko siya malapitan

"Mom i miss you" sabi ng bunso konh anak

"Yuri anak ko" sabi ko at tumatakbo ako para lapitan siya pero bigla na lang siya naglaho

"Yuri nasan ka na? Andito na si mommy" sigaw ko palinga linga habang umiiyak

"Mom....mommmm" rinig ko ang tinig ng babae habang niyuyogyog ako

"Selena?" Sabi ko panaginip lang pala si yuri napanaginipan ko at alam kong nangungulila na siya sa akin

"Mom are you okay? Nightmare?" Tanong ng anak ko na puno nang pagaalala umiling lang ako "bumalik kana sa kwarto mo anak matulog ka na okay lang ako" sabi ko na nakangiti wala dito ang asawa ko nasa meeting sila para sa gagawin nilang strategy para matalo ang kalaban. Nagpaalam na ang anak ko at lumabas na sa kwarto naiwan naman ako nagiisa

Hindi na ako makapaghintay makita ang bunso kong anak kahit hindi ko siya tunay na anak para sa akin anak ko siya kadugo ko siya

Isang desisyon ang naisip ko alam ko magagalit ang asawa at anak ko pero hindi ko na kaya matulog o maghintay

Kei Academy- Return of The Princess  (Book 2)Where stories live. Discover now