Chapter 49

4.1K 125 12
                                    

"Maaaaa" sigaw ni mom nang makita niya na nakahiga si granny sa sahig oo siya ang nasaksak ni mom ( queen reika) tinulak niya si mom kaya siya ang nasaksak.

Madali akong lumapit sa kanila at niyugyog ko si lola at puro dugo na din ang damit ko.

"Apo koooo alam kong hi-hindi n-na ako magtatagal ta-tandaan niyo mahal na mahal ko kayo" sabi ni granny at umubo at dugo ang lumabas sa bibig niya

"Maaa naman w-wag kang magsalita ng ganyan h-hindi ka mamatay h-hindi ko hahayaan yon" naiiyak na sabi ni mom at pilit niya pinapagaling ng healing powers niya pero walang nangyari dahil malubha ang pagkakasaksak kaya hindi na nakaya pang gamutin

Hinwakan naman ni lola ang mukha ni mom na hanggang ngayon iyak pa din ng iyak "anak patawarin mo a-ako alam kong ma-marami akong pagkukulang sayo at sa kapatid mo" nahihirapang sabi ni granny at halos hinahabol na niya ang hininga niya

Napadako naman ang tingin kay mom( queen reika) at ngumiti na walang bahid na galit "a-anak ma-mahal na mahal k-ka ni mama patawad" sabi niya at sa huling banggit niya don na siya nawalan ng hininga

"Maaaaa/grannyyy" sigaw namin nang malagutan na ng hininga si lola napakabait niya at sa huling hininga niya humingi pa din siya ng tawad sa mga anak niya nakakalungkot hindi man lang kami nabigyan ng oras para magkasama ng matagal

Wala ka man lang mabasang emosyon sa mukha ni mom ( queen reika ) blanko yon at parang wala lang sa kanya na nawalan siya ng ina at siya pa mismo ang kumitil sa buhay ng ina niya.

Galit na humarap sa kanya si mom " ano masaya ka na ba? Gumaan na ba ang pakiramdam mo at namatay na ang ina natin? Sana hindi mo pagsisihan to napakasama mo" bulyaw ni mom sa kanya at ngumisi lang siya at sayang saya pa

"Oo masaya ako mag ce-celebrate nga ako mamaya eh. Pero bago yon isusunod na kita sa kanya para naman hindi siya malungkot at makasama niya ang paborito niyang anak na ubod ng bait" sagot naman ni mom ( queen reika )

Mabilis na naglaban ang dalawa na halos hindi mo makita sa sobrang bilis ng galaw nila parang hangin lang ngayon ko lang nakita kung pano lumaban si mom masasabi kung magaling siya at hindi basta basta lang.

BOOGGGSSHHH Malakas na pagsabog ang narinig ko parehas kasi sila naghagisan ng fireballs hingal na hingal ang dalawa

"Napakasama mong anak matagal na nagtiis si mom sa poder mo dahil mahal ka niya alam mo ba yon? Sa tutuusin lang kaya niyang umalis sa kaharian mo pero hindi niya ginawa dahil mahal ka niya" singhal ni mom at ang kapatid niya naka poker face lang.

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin wala akong pakialam. Tandaan niyo kulang pang kabayaran ang buhay niyong mag ina sa akin. Dahil sa ina mo oo ina mo lang dahil hindi ko siya tinuring ina ko dahil pinatay niya sa harap ko ang lola ko na walang ibang ginawa kundi alagaan at mahalin ako. Pero ang walanghiya pinatay lang siya nang dahil lang naman sayo kaya dapat ka lang mamatay" galit na sabi ni mom ( queen reika) na napapaligiran ng masamang aura at bakas sa mukha niya ang galit

BOGSSSSHHHH BOGGSSSHHHH

Sunod sunod na pagsabog ang naririnig dito sa felox kingdom na nagpatigil sa laban nila

BOGGSSSHHH BOGSSSHHHHH

Hindi pa din tumitigil ang pagsabog agad naman nawala sa paningin namin si mom ( queen reika ) nilapitan ko naman si mom na may mga daplis sa katawan.

"Anong nangyayari? Bakit may mga pagsabog?" Tanong ni mom

"Mom magkakasama tayo diba? Anong alam ko?" Sagot ko sa kanya nakatanggap naman ako ng batok sa kanya " pilosopo ka talagang bata ka" sabi ni mom at umiiling

Kei Academy- Return of The Princess  (Book 2)Where stories live. Discover now