Chapter 42

4.1K 138 15
                                    

~Princess Venus's POV

"Mom" sigaw ko sa kanya nandito ako sa loob ng kwarto niya

"Bakit anong problema at namumutla ka ?" Takang tanong niya sa akin at binaba ang hawak niyang tea cup

"Kasi ano eh ano si ano" sabi ko hindi ko matuloy tuloy dahil alam ko magagalit siya

"Ano nga yon venus wag mo painitin ang ulo ko ano ka ng ano anuhin kita diyan eh" sabi niya at kumunot na ang noo halatang naiinis na si mom mana nga kami sa kanya walang duda.

"Si yuri kasi mom nakita ko na umilaw ang noo niya at alam natin pag umilaw ang noo niya ma-" sabi ko na hindi mapakali at nakita ko ang pagkabahala sa mukha ni mom

"What? Tara kelangan natin siya puntahan agad hindi maganda to" sabi ni mom at nagmamadali bastos din noh? Hindi muna ako patapusin magsalita hmp

Nagteleport na kami sa silid ng kapatid ko pero wala kaming nakitang yuri sa higaan niya nasan na siya?

"Mom wala na si yuri dito sa kwarto niya" kinakabahan na sabi ko iba kasi pag nagalit si mom nakakatakot talaga

"Fu** kelangan natin siya mahanap hindi siya pwedeng tumakas" bulyaw niya habag minamasahe ang sintido niya

"Venus ipagutos mo sa mga royal guards na hanapin si yuri hinding hindi siya makakalabas dito dahil ginamitan ko to ng spell ang barrier lalo na may dugo siyang keiran kaya hindi siya makakalabas kahit gustuhin niya man" sabi ni mom matalino talaga kaya hinding hindi mo siya maiisahan

-Bea's POV

"May balita  na ba kayo kung nasan yung tatlo?" Tanong ni aldrin kanina pang aligaga dahil nawawala ang girlfriend niya hindi na nga makakain dahil sa paghahanap sa kanila

"Wala pa din eh pero sabi nila isa sa estudyante sa kei academy ang may gawa kaya nagiimbistiga pa sila"sagot naman ni railey

"Bwisit malaman ko lang kung sino papatayin ko talaga siya" naiinis na sabi ni aldrin at pinagsisipa ang pader ngayon ko lang siya nakitang ganito after nang mamatay si yuri noon

Napako naman ang tingin ko kay yuri na may dala dalang tray laman ang pagkain

"San ka pupunta yuri at may bitbit kang pagkain. Wag mo nang sagutin alam ko na para kanino good luck" sabi ko na nakangisi

"Kay aki dadalhan ko siya kagabi pa hindi kumakain baka isang araw magising tayo buto buto na lang siya" sabi niya at natawa kami pwera kay aldrin na nakasimangot

"Yuri hanggang ngayon ba mahal mo pa rin siya? Libre ang pagiging tanga pero wag mo naman araw arawin masasaktan ka lang eh" sabi ng kuya niya sobrang oa niya talaga pagdating sa kapatid niya

"Kuya naging magkaibigan naman kami ni aki don't worry naka move on na ako sa kanya gusto ko lang siya dalhan nito nagaalala lang ako sa kanya bilang kaibigan" sagot ni yuri na naiinis na

"Bahala ka malaki kana alam mo na ang ginagawa mo sa akin lang ayaw lang kitang masaktan alam mo naman na mahal na mahal kita yuri"sabi ng kuya niya at kinusot ang buhok ng kapatid niya si yuri naman naka pout ang cute nilang magkapatid

Fake yuri/Reyanne's POV

Kumatok ako sa pinto ni aki pero wala atang balak buksan hindi ko naman mapasok dahil ginamitan niya ng spell ayaw talaga paistorbo

"Aki iwanan ko na lang tong pagkain mo dito sa labas kung kelangan mo ng kausap nandito lang ako nagaalala ako sayo bilang kaibigan mo" sabi ko sa kanya at binaba na ang tray sa labas ng pinto

Akmang aalis na ako nagulat ako ng buksan niya ang pinto nakita ko malaki ang pinayat niya at lubog ang mata halata din galing sa pagiyak

"Pasok ka" sabi niya at napakalamig non

Kinuha ko ang tray at pumasok sa kwarto niya

"Ano bang nangyayari sayo aki hindi ka naman dating ganyan namimiss na namin ang dating aki lagi ka na lang dito sa loob ng kwarto mo hindi ka na lumalabas hindi ka na din nagkaka kain aki hindi lang sa kanya umiikot ang mundo mo" sabi ko sa kanya hindi talaga ako marunong mag advise kasi nga wala talaga akong pakialam sa damdamin ng iba cold ako pero kelangan ko makuha ang loob ni aki

"Hindi niyo naiintindihan ang nararamdaman ko kasi hindi kayo ang nasaktan at iniwan mahal ko siya yuri mahal na mahal totoo nga ang sinasabi nila nasa huli ang pagsisisi na malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kung wala na sayo" sabi niya at umiiyak na kalalaking tao iyakin

"Tahan na may naisip akong solusyon diyan sa problema mo" sabi ko habang tintapik ang balikat niya

"At ano naman yon?" Naka kunot noo niya

"Kumampi ka sa felox kingdom" matipid na sabi ko sa kanya

"Ano? Nahihibang kana ba? Alam mo naman na mahigpit na kaaway natin sila tapos sasabihin mo kumampi ako sa kanila? Galing mo din mag advise noh" sabi niya at napapailing

"Eh yon ang naisip ko eh ayaw mo yon mapapalapit ka sa kanya at pwede mo kuhain ang loob niya ulit malay mo bumalik ang feelings niya sayo bahala ka don sa felox kingdom araw araw sila magkasama tapos ikaw nandito nakatanga pag nandon ka mababantayan mo siya" sabi ko sa kanya at natahimik naman siya iniisip ang sinasabi ko sana kumagat siya sa plano ko sana talaga

"Sige maiwan na kita dito kumain kana para ka nag buto buto pangit mo" natatawang sabi ko at iniwan na siya

~Princess Yuri/Crystal's POV

Kelangan ko makaalis dito agad pero san ba ang daan palabas dito sa palasyo?

Takbo

Takbo

Takbo

Nakakapagod na ha pano ba ako makakalabas dito?

"Hanapin niyo si crystal utos ni Queen reika" sigaw ng guard patay alam na niya na tatakas ako kelangan ko na makaalis dito

Tatakbo na sana ako nang may narinig akong sigaw sa loob ng malaking pinto

"Aray tama na" sigaw ng lalaki pero naririnig ko na may nagtatawanan
Sumilip ako at nakita ko na may tatlong familiar na mukha omg sina ate selena yon ah napadako naman ako sa limang royal guards na ngumingisi at lumaki ang mata ko nang sinusubukan ng isa na hubaran si ate selena balak ata gahasain ang mga walang hiya hinding hindi ako papayag sa masamang gagawin nila kay ate selena at arriane

Naawa ako kay ate selena umiiyak at ang katawan niya puro sugat putok na din ang mga labi niya ganon din sina arriane kaya bago pa matuloy ang balak nila pumasok na ako sa loob

"Don't you dare touch me you perv" sigaw ni ate selena nang akmang hahalikan siya ng pangit na lalaki

Kaya nagteleport ako agad sa tabi niya at sinaksak ko ang lalaking manyak nagulat naman ang kasamahan niya

"Anong ginagawa mo crystal? Kinakalaban mo na ba si Queen reika? Alam mo bang sinaway mo ang rules dito sa felox kingdom bawal pumatay ng kauri lalo na kung walang mabigat na dahilan" sabi ng isang asungot

"Malinaw na ang lahat traydor ka pinatay mo si kevin kaya humanda ka papatayin kita" sabi ng isa pang asungot kevin pala ang pangalan ng manyak na yon

"Kung ganon isusunod ko kayo dito sa manyak na to para naman hindi kayo malungkot" walang emosyon sabi ko

Sumugod na yong dalawa hawak hawak ang espada nila tinignan ko lang sila at ngumisi nilabas ko ang rox sword ko at nagulat sila "Papaanong nasayo yan?" Tanong nila pero sinaksak ko na sila at hindi ko sinagot ang tanong nila wala akong oras sa chikahan lalo na nagmamadali akong umalis dito

Nagpalabas ako ng 100 daggers at 100 medium fireballs ko at sabay kong pinatama sa dalawa pang natitira na asungot " AHHH" sigaw nila ng tamaan na sila at nawalan na ng hininga

Lumingon ako sa tatlo na tulala pa din sa mga nangyayari

"Ayos lang ba kayo? Buti na lang narinig ko ang sigaw niyo kaya pumasok ako dito" sabi ko at nakatingin sa kanila

"Ikaw....sabihin mo tama ba ang iniisip ko?" sambit ni ate selena na umiiyak at niyakap ako nang mahigpit at tumango lang ako sa kanya.

Kei Academy- Return of The Princess  (Book 2)Where stories live. Discover now