Chapter 20

4.8K 151 0
                                    

*Princess Yuri/Crystal's POV

Naglalakad na ako pabalik sa dorm natanaw ko na sa labas si aki

Dug dug dug ano ba tong nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya

"Crystal" nakangiting sigaw niya tumakbo palapit sa akin at niyakap ako

"Kanina pa ako naghihintay sayo nagaalala ako pumunta ako sa clinic wala ka na san ka ba galing?" Nagaalalang tanong niya sa akin

Grabe kinikilig ako sana mahinto na ang oras na kami lang dalawa. Ang sarap ng yakap niya ang bango niya hay ano ba tong naiisip ko para akong timang

Di ko na kaya maging matigas sa kanya lintek kasing pag ibig to

"Okay lang ako may dinaanan lang ako" sabi ko na hindi tumitingin sa kanya kasi naman nakakatunaw ang titig niya

"Ganon ba? Nga pala crystal gusto kong mag sorry sayo dahil sa akin sinaktan ka ni kelly dahil sa akin napahamak ka" sabi niya

"Okay na yon kalimutan na natin yon. Pasok na tayo ang daming insekto dito kinakagat na ako eh" sabi ko pero totoo naman kamot na nga ako ng kamot eh bwisit kasing insekto to sinira ang moment namin ni aki ko hahaha

Si aki na nagbukas ng pintuan gentleman lang ang peg sarado ang ilaw ang dilim naman

"Wala pa sila? San sila pumunta?" Tanong ko ng makapasok kami

"May gagawin lang daw sila eh" sagot naman niya at hinahanap ang switch

"SURPRISE" sabay sigaw nilang lahat ng royalties except kila ashely,eireka at clayford wala sila.

Nakita ko na maraming pagkain at may mga ballons? Ballons talaga? Meron din pala dito yon.

"Crystal sana mapatawad mo kami alam namin na kami ang mali hinusgahan ka namin agad na hindi man lang pinakinggan ang sasabihin mo...Sorry talaga huhuhu" umiiyak na sabi ni arriane

"Sorry din crystal sa ginawa namin sayo" lorie

Niyakap ko sila na umiiyak din letche pati pa ako naiiyak kasi nman eh. Ayon lahat sila naki group hug na.

After namin kumain ng niluto nila. Oo niluto nila lahat ng pagkain pinagtulong tulungan nila.

"Asan sila ashley bakit wala pa dito?" Tanong ko

"Ewan hindi pa sila dumadating after ng klase eh" sabi ni railey na sumusubo pa ng mansanas

"Bakit namiss mo na si mukhang paa?" Nakasimangot na sabi ni aki

Seloso talaga haha kung lalo ko kaya pag selosin?

"Oo eh hindi kasi kami nakapag usap ni clay mula nung pag gising ko kaninang umaga. sabi niya ipagluluto daw niya ako ng blueberry cheesecake ngayon. San na kaya yon? Namiss ko na siya tuloy" sabi ko

Nakita ko naman na namumula sa galit gusto ko matawa pinipigilan ko lang

"Tss ipagluluto ka pa? Bakit hindi mo ba kaya magluto? Pwede ka naman bumili sa cafeteria ng chessecake. Sandali lang kayo magkakilala close na agad kayo? Yong ganong mukha? Namimiss mo? Mukhang paa yon eh kahit maligo pa yon pangit pa din yon" sabi niya na inis na inis habang nagsasalita

"Hindi kaya siya mukhang paa. Mas gwapo pa nga siya sayo eh tiyaka ang bait,malambing,sweet matalino at malakas" sabi ko para lalong mainis

Nagdilim ang mukha niya.

"Mahal mo na ba siya?" Seryosong tanong niya kaya natigilan ako ang mga kasama naman namin nagsi alisan na pumunta na sa kanilang mga kwarto

"Aakyat na ako" sabi ko dahil ayaw ko sagutin ang tanong niya naguguluhan pa ako hinila niya braso ko kaya napahinto ako umakyat sa hagdan

"Sorry kung nagiging makulit ako sayo" malungkot na sabi niya at binitawan na niya ang kamay ko

Umakyat na ako sa kwarto.

Kinabukasan

Napansin ko na tahimik lang si Aki hindi na nagungulit tulad noon pag nakikita ako pinipisil ang pisngi ko, pinagsasandok ako ng pagkain tinatanong kung kamusta tulog ko

Alam ko dahil to kagabi kaya ganto siya.

Nasa lamesa kami bumaba naman si Clayford

"Crystal tabi tayo" sabi niya na nakangiti tinignan ko naman si akin na emotionless

"Sige. Anong oras na kayo dumating dito? Nakatulog na kasi ako kaya hindi ko na kayo napansin nila ashley na dumating" sabi ko at umupo na siya sa tabi ko nagsasandok ng pagkain niya

"11pm na nagtraining pa kasi kami eh alam mo na leveling na mamaya" sabi niya at nagsimula na sumubo ng pagkain. Tumango naman ako

Sina ashley at eireka naman natutulog pa susunod na lang daw sila.

After namin kumain " crystal sabay na tayo pumunta sa arena" yaya ni clay na nakangiti
Tumango naman ako nilingon ko si aki na nagdidilim ang mukha

"Tsss" narinig kong sabi niya at umalis na siya

Habang naglalakad kami ni clay papuntang arena kanina pa siya daldal ng daldal pero hindi ako nakikinig wala sa kanya ang atensyon ko.

" hoy crystal kanina pa ako nagsasalita dito. Nakikinig ka ba?"

"Ha?" Sabi ko

"Hindi ka nga nakikinig. Ano bang nangyayari sayo? May problema ka ba?" Tanong niya

Umiling naman ako "Wala. Iniisip ko lang ang leveling mAmaya. Baka kasi hindi ako makakuha ng mataas na puntos"pagsisinungaling ko

"Kaya mo yan. Kung hindi ka naman makapasa kakausapin ko si HM na sa Class S ka pa din ipasok" sabi niya tumango na lang ako

Ang iniisip ko talaga si aki. Alam ko nasaktan ko siya kelangan ko siya makausap after ng leveling.

Kei Academy- Return of The Princess  (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon