Chapter 37

4.6K 137 8
                                    

Princess Laira's POV

"Ok lang ba kayo ng kapatid ko?" Tanong ko kay aki dahil napapansin namin na nagiiwasan sila kaya hindi ko mapigilan magtanong

"Hiwalay na kami" walang ganang sagot niya at hindi ako makapaniwala dahil saksi ako sa pagmamahalan nilang dalawa

"Bakit? Ano bang nangyari at naghiwalay kayo?" Tanong ko at napataas na din ang boses ko at nakita ko na nagulat siya at rinig ko ang buntong hininga niya

"Hindi ko na siya mahal hindi ko maintindihan kung bakit naging ganito ang nararamdaman ko sa kanya. Wala na akong maramdaman na pagmamahal sa kanya. Sorry laira tatanggapin ko kung saktan mo ako ngayon sampalin mo ako para gumaan ang pakiramdam mo pero ayaw ko na magsinungaling ayaw ko na paniwalaan ang sarili ko na mahal ko pa ang kapatid mo sana maintindihan mo ako" sabi ni aki at kita ko sa mukha niya na nahihirapan siya at alam ko na kung bakit

"Si crystal ba?" Tanong ko at tumango naman siya

"Nakakatawa diba? Kung kelan umalis na siya don ko narealize na siya ang mahal ko pero wala na siya iniwan na niya ako hindi ko naman siya masisisi dahil malaki ang kasalanan ko sa kanya kaya matatangap ko kung ayaw na niya sa akin dahil malaki ang kasalanan ko sa kanya" naiiyak niyang sabi ngayon ko lang siya nakita na nagpakita ng emosyon mula nang mamatay dati si yuri

"Shhh tahan na aki kung kayo talaga ang para sa isa't isa tadhana na mismo ang maglalapit sa inyo. Oo nagalit ako sayo dahil sinaktan mo ang kapatid ko alam ko na mahal ka niya at nung namatay siya noon pangalan mo ang sinasabi niya pero inamin din niya sa akin na unting unti nababawasan ang nararamdaman niya sayo nakaya kung saan kayo masaya susuportahan ko kayo"

"Salamat laira" sabi ni aki

"Guys bakit ganito feeling ko may mangyayaring hindi maganda?" - railey

"Feeling mo lang yon"- yuki

"Basta maging alisto tayo hindi natin alam baka may mga kalaban tayo" sabi ni aki

"Pahinga muna tayo nagugutom na din ako" - bea

"Lagi ka naman gutom eh himala na lang kung sasabihin mong busog ka" - drei

"Gusto mong mamatay ng maaga drei? Sabihin mo lang" seryosong sabi ni bea

*Prince Aki's POV

"Tama na yan nasa mission tayo kelangan natin magseryoso dahil sabi ni HM importante yun dadalhin natin sa academy" sabi ko sa kanila kaya ayon tumahimik na din

Napatigil kami ng may sumabog sa harapan namin at nakita namin na nakatayo ang taga felox kingdom 7 silang lahat at nagulat na lang kami dahil kasama siya sa kanila ang babaeng pinakamamahal ko

"Crystal?" Sambit namin lahat nang makita namin si crystal na kasama ang mga estudyante ng felox kingdom

"Bakit kumampi ka sa kanila bakit crystal?" Tanong ni arriane

Wala naman kaming nakuhang sagot sa kanya nakatingin lang siya sa amin at wala man lang bakas kahit anong emosyon

Sabagay nasaktan namin siya at hindi namin siya masisisi kung kamuhian niya kami

"Crystal humihingi ako ng tawad sa mga nagawa ko oo alam ko nasaktan kita pero mas nasasaktan ako alam kong huli na pero may aaminin ako sayo" sabi ko sa kanya

Tinignan lang niya ako ang sakit kasi hindi ko man lang malaman kung masaya ba siya na makita ako

"Mahal kita crystal nung umalis ka na sa academy don ko na realize na mahal kita na ikaw ang mahal ko hindi si yuri" madamdaming sabi ko wala na akong pakialam sa iba basta masabi ko lang ang gusto kong sabihin

"I'm sorry aki pero huli kana may mahal na akong iba" malamig na sabi niya at parang binagsakan ako dahil sa narinig ko

Huli na may mahal na siyang iba ang sakit dahil pinakawalan ko siya

"Sino siya?" Tinanong ko pa din kahit nasasaktan ako itodo ko na

Lumingon siya sa katabi niyang lalaki at nakita ko na naghalikan sila

Shit ang sakit harap harapan mong nakikita na naghahalikan sila

"Siguro naman nasagot na ang katanungan mo pare" nakangising sabi nung lalaki na nakahalikan niya

"Anong ginawa mo kay crystal? Hindi ako naniniwala na mahal ka niya baka ginamitan niyo siya ng spell" sigaw ko sa kanya

"Nakakatawa ka pare mas lalo mo lang pinababa ang sarili mo tanggapin mo na kasi na hindi ka na niya mahal at ako na ang mahal niya" sabi niya at hinawakan niya pa ang kamay ni crystal nakakainis dapat ako lang ang humahawak at humahalik sa kanya babawiin kita sa kanya crystal akin ka lang!

"Aki wag ka magpadala sa emosyon mo yan ang makakatalo sayo at ayon sa information na nabasa ko hindi sila basta basta malalakas sila tulad natin" - railey

"Ako na ang bahala sa boyfriend ni crystal kayo na ang bahala sa iba" - sabi ko sa kanila buti naman sumang ayon sila

"Tama na ang satsat umpisahan na natin ang laban. Tanggapin niyo na ang kamatayan niyo royalties" nakangising sabi nong mukhang paa

"Crystal talaga bang pinatulan mo yang mukhang paa na yan? Edi hamak naman na gwapo ako diyan?" Pang aasar ko halata naman hindi nagustuhan yung sinabi ko pikon pala si mukhang paa

"Crystal bumalik ka na sa akin oh promise hinding hindi kita sasaktan papaligayahin kita araw man o gabi" sabi ko si crystal naman walang imik pero yung katabi niya umuusok na ang ilong sa inis

"Aki tutulungan ka namin mabawi si crystal sa kanya" sabi nilang lahat ang sarap sa pakiramdam na tanggap na nila na hindi kami ni yuri para sa isat isa at kay yuri naman okay lang daw sa kanya wala din naman daw siyang nararamdaman sa akin kaya madali lang sa amin ang hiwalayan

Nagulat na lang kami nang bigla silang umatake

"Oh pre bakit namumula ka? Wag mong sabihin na type mo ako at nag blush ka?" Pang aasar ko sa kanya pero alam kong namumula siya sa galit

"Papatayin muna kita bago mo makuha si crystal sa akin" sabi niya at nilabas niya ang sword niya at hindi lang siya ordinaryong sword nagpapalabas tonng dark fire balls buti na lang mabilis ang kilos ko at naiwasan ko ang mga atake niya

"Pre una sa lahat ako ang nauna kay crystal at alam kong may nararamdaman pa siya sa akin kaya kukunin ko siya sayo babawiin ko ang akin dahil una pa man akin na siya" sabi ko sa kanya

Nilabas ko ang latigo ko na lumiliyab hindi lang basta to dahil pag natamaan ka nito manghihina ka kukunin niya ang enerhiya mo ngayon ko lang nagamit to thanks sa God of fire binigyan niya ako nito

"Siguro oo sayo siya noon pero iba na ang sitwasyon ngayon hindi ka na niya mahal dahil sinaktan mo siya isa ka sa nanakit sa kanya kaya ang kapal ng mukha mong agawin siya sa akin ngayon alam mong masaya na siya sa piling ng iba" sabi naman niya at nilabas niya ang 100 daggers at dark fire balls naiwasan ko to pero hindi ko napansin na nag teleport siya sa likod ko buti nakaiwas ako sa sword niya pero nadaplisan ako sa tagiliran.

Kei Academy- Return of The Princess  (Book 2)Where stories live. Discover now