Chapter 45

4.1K 118 17
                                    

~Princess Venus's POV

"Mom please wag mo nang ituloy kung ano ang binabalak mo" sabi ko sa kanya pinuntahan ko siya dito sa kwarto niya nakita ko naman na hinahasa niya ang dagger niya

"Ano bang pinagsasabi mo venus" sabi niya pero hindi naman tumitingin sa akin

"Mom alam mo kung anong tinutukoy ko" sagot ko sa kanya at umupo sa gilid ng kama niya

"Wala akong alam sa pinagsasabi mo diretsuhin mo na ako nakakainit ka ng ulo" sabi niya at nagsisimula na mairita

"May balak kang patayin si yuri diba? Narinig ko ang pinagusapan niyo ni goddess zefi. Please mom wag kang makinig sa kanya anak mo si yuri ngayon nga lang natin siya nakasama papatayin mo pa siya?" Hindi ko maiwasan pagtaasan ng boses si mom ngayon ko lang nagawa sa kanya yon dahil nakakatakot siya titig pa lang niya lalambot na tuhod mo

"Ganyan ba ang tingin mo sa akin? Sa tingin mo ba kaya kong patayin ang kapatid mo? Kahit masama ako may puso naman ako pagdating sa mga anak ko. Get out of my room bago pa may magawa sayo venus bago ko pa makalimutang anak kita" singhal niya sa akin kaya dali dali akong lumabas ng kwarto niya nakahinga naman ako ng maluwag nang sabihin niya na wala siyang balak patayin ang kapatid ko

~Princess reyanne's POV

"Ano ang pinainom mo sa akin at nanghihina ang katawan ko at hindi ko magamit ang kapangyarihan ko?" Tanong niya at napapaupo

"Eclix poison" ngisi ko sa kanya at nagulat naman siya

"Walang hiya ka yuri" sigaw ni lorie na hinang hina na nakaktuwa tignan ang itsura niya na namumutla na

"Yuri? Oh dear lemme tell you something bago ka mamatay hindi ako si yuri na kaibigan niyo" ngisi ko sa kanya at lumapit at hinihiwa ang pisngi niya gamit ang dulo ng dagger ko

"Ahh" daing niya sa sakit nakakatuwa tuloy tignan na nasasaktan yan ang gustong gusto ko ang makitang nahihirapan sila at sila na mismo ang humiling na patayin sila

"Kakambal ako ni yuri" sabi ko pa at nagulat siya sa sinabi ko

"Ikaw si princess reyanne?" Sabi niya at napaupo na sa lupa at nahihirapan na siyang huminga

"Yes my dear ako nga to si reyanne na inaakala niyo na patay na. Well, patay na nga ako pero binuhay ako. Binuhay ako para patayin kayo at kaming taga felox kingdom  ang  nagmamahala sa buong mizo world" sabi ko at inapakan siya sa mukha bumuga naman siya nang dugo na labis kong kinangiti

"Alam mo bang matagal na akong bwisit sayo dahil masyado kang pakialamera? Kaya ito inuna na kita pasalamat ka nga pinaaga ko ang kamatayan mo bago pa sumugod sila mom" sabi ko at kita ko ang pagkabahala niya hindi naman siya makapagsalita dahil sa diin nang apak ko sa kanya

Pilit niya tinatanggal ang pagkakaapak ko pero wala siyang lakas nakakatuwa lang

"Oh pano ba yan hanggang dito ka na lang princess lorie" ngisi ko at pinugutan na siyan ng ulo

Sino kaya ang isusunod ko?

~Princess Yuri's POV

Nagawa ko na din sirain ang spell na ginawa ni mom para hindi kami makalabas dito sa palasyo kelangan ko lang konting tiyempo para makapunta ako sa kulungan nila ate selena dahil mahigpit na pinapabantay ni mom yun bumalik na din ang dati kong mukha pati ang kapangyarihan ko pero hindi ko pa din nakakausap si goddess Ishna

Habang naglalakad ako dito sa hardin may naaninagan akong pamilyar na lalaki biglang bumilis ang pintig nang puso ko

"Ezo?" Mahinang sabi ko at pilit nililingon kung siya ba yung nakita ko

Kei Academy- Return of The Princess  (Book 2)Where stories live. Discover now