Chapter 23-Weird

4.5K 147 3
                                    

*Princess Yuri/Crystal's POV

Hindi ko maintindihan kung bakit ang gaan gaan ng pakiramdam ko kay yuri bakit parang gusto ko siya yakapin? Naluluha ako hindi ko alam kung bakit. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang kamay ko.

Narinig ko na nag summon si yuri ng monster at inatake. Hindi ako makagalaw nakatitig lang ako sa kanya

Nakita ko na tumingin siya sa akin nagkulay pula na may itim ang mata niya nakita ko na parang nagulat siya.

Lumapit siya sa akin gusto ko umatras pero hindi ko kaya natatakot ako sa aura niya

"Crystal" sigaw nila sa akin kaya parang bumalik ang diwa ko

"Wag kang lalapit" sabi ko sa kanya at nilabas ang light sword ko napangisi naman siya

Hinawakan niya ang light sword ko na hindi man lang nasaktan o napaso nagulat na lang ako na may itim na pakpak siya hinila niya ang kamay ko at lumabas kami sa academy

"San mo ako dadalhin yuri" sabi ko sa kanya na masusuka na dahil nalulula ako dahil nasa taas kami at lumilipad

"Wag kang madaldal diyan isa pa ilalaglag kita" sabi niya

Pakiramdam ko na hindi niya ako sasaktan pero bakit? Kanina pa lang may chance na siyang patayin ako pero hindi niya ginawa

Nilapag niya ako sa madilim na forest pero malayo to sa academy

"San tayo? Bakit mo ako dinala dito?" Tanong ko sa kanya

Ngumiti naman siya at niyakap ako kaya nagulat ako pero hindi ko maintindihan bakit niyakap ko din siya

"Salamat nagkita din tayo.hindi na tayo magkakahiwalay" bulong niya pero hindi ko narinig

"Ha? May sinasabi ka?" Tanong ko

Umiling siya "wala dinala lang kita dito dahil may itatanong ako sayo" sabi niya pero wala na ang pagka cold niya

"Ano naman yon?" Kunot noo kong sabi

"Anong pangalan mo? Sino magulang mo?" Tanong niya

Bakit naman siya nag ka interes sa buhay ko?
Sagutin ko na lang baka patayin pa ako nito

"Crystal lether, Kath Lether at James Lether ang mga magulang ko taga mortal world ako don ako lumaki dinala lang ako ng pixies dito" sabi ko

Tumango naman siya "sigurado ka ba na sila ang tunay na magulang mo? Wala silang charms diba?" Sabi niya

"Wala ako lang ang meron" sabi ko dahil naiirata na ako ang daming tanong

Tumalikod ka sabi niya kaya kahit nagtataka tumaikod na ako wait what if saksakin niya ako habang nakatalikof? Ayoko pa mamatay

"Gaga hindi kita sasaksakin dahil kung gusto ko una pa kang pinatay na kita" sabi niya hinawi niya ang buhok ko at tinignan ang tagiliran ko

Ano naman problema nito sa katawan ko?

"Nababasa ko iniisip mo. Weird mo humarap kana"sabi niya at naka crossed arms siya

"Pwede ka ng umalis" sabi niya
Nagrindi naman ang tenga ko sa narinig ko
"Hoy ikaw babae ka pagkatapos mo akong dalhin dito papaalisin mo ako? Ehh hindi ko nga alam tong lugar na to napaka dilim pa" nakasimangot kong sabi sa kanya

Wala akong paki kung magalit siya nakakainis naman siya eh kung may monster dito at lapain ako?

"Arayyy" sabi ko ng piningot niya ako sa tenga
Nilabas na niya ang pakpak niya at lumipad na kami pabalik sa academy

"Ang sakit ng pingot mo namamaga na tong tenga ko" reklamo ko

"Dapat lang sayo yan napaka daldal mo" sabi niya na nakangit

What??? Ngumiti siya??? Kanina lang nakakatakot siya ang weird niya talaga

Kei Academy- Return of The Princess  (Book 2)Where stories live. Discover now