Chapter 38

4.6K 123 9
                                    

~Ezo's POV

Napangisi ako ng makita ko na may dugo siya sa tagiliran niya. Aaminin ko magaling siya makipaglaban walang duda yun dahil nakatagal siya sa labanan namin dahil yung mga dati kong nakalaban wala pang limang minuto patay na sila.

Kelangan ko siya mapatay dahil siya ang hadlang sa amin dalawa ni crystal at hindi ako papayag na mabawi siya sa akin magkamatayan na hindi ko siya ipapaubaya sa kanya.

Nagulat na lang ako nang biglang halikan ako ni crystal sa harap nila kay natuwa talaga ako kahit alam kong ginawa lang niya yon para matapos na kung ano ang sa kanila ni aki para hindi na din siya umasa kay crystal.

Matapos lang talaga tong mission na to gagawin ko talaga ang lahat maging AKIN ka lang crystal.

Basta gagawin ko ang lahat para ako ang mahalin niya at ipapangako ko na hindi ko siya sasaktan gaya ng ginawa sa kanya ni aki.

"Tama nga ang sabi nila malakas ka" nakangisi kong sabi at dahan dahan na lumapit sa kanya pinunasan naman niya ang dugo sa labi niya gamit ang kamay niya.

"Alam ko na yon kaya hindi mo na kelangan pang sabihin" sabi niya at bored na tumingin sa akin bakas sa mukha niya ang pang gigil at gustong gusto na akong patayin kaya mas lalo akong ginaganahan

Nakita ko na nagbago ang anyo nang latigo niya at naging espada yun parang may kakaiba sa armas niya kaya kelangan ko mag ingat

Sumugod siya sa akin at sa isang iglap nawala na lang siya sa paningin ko pero hindi niya ako maloloko dahil nararamdaman ko siya nakangisi akong sinalag ang espada niya sa  sa likod ko

"Yan lang ba ang kaya mo aki? Mahina ka pala eh talagang hindi kayo bagay ni crystal kasi MAHINANG PRINSIPE ka" sabi ko at lalong nagdilim ang mukha niya sa narinig niya

"Bawiin mo ang sinabi mo" sigaw niya at nakita ko na ang apoy ang katawan niya at nilabas nagbago na naman ang shape ng armas niya at naging axe yun at may nilabas din siyang medium fireball

"Ang alin ang babawiin ko? AHHH YUNG MAHINANG PRINSIPE? bakit? Totoo naman diba? Hindi mo nga nagawang iligtas si princess yuri noon diba? Namatay siya noon na wala ka man lang ginawa kundi ang umiyak" sabi ko at nilabas ko na din ang weapon ko gumawa na din ako ng shield dahil alam kong malakas ang ititira niya sa akin dahil galit na galit na siya

"WALA KANG ALAM" sigaw niya at sumugod sa akin at sabay sabay niyang pitama ang fireball sa akin at sinaksak ang barrier na ginawa ko sa katawan ko buti na lang at hindi lang to basta basta barrier dahil kung ordinaryong barrier to malamang natamaan na ako ng axe niya

Patalon na Umatras ako at inalis na ang barrier na ginawa ko dahil nakakaubos yun nang enerhiya pag tumagal pa

Aatake na sana ako nang biglang may narinig akong malakas na pagsabog kaya nahinto kami sa labanan

~Princess Yuri/Crystal's POV

"Crystal sumama ka na samin alam kong hindi ka masama" sabi ni selena umiling naman ako

"Please crystal hindi pa huli ang lahat alam kong may kabutihan pa diyan sa puso mo. Tinakot ka ba nila para kumampi sa kanila?" Sabi niya at akmang yayakapin niya ako pero iniwas ko naman at tinutukan siya ng dagger

"Wag kang lalapit sa akin selena hindi na ako ang dating crystal na kaibigan mo matagal na siyang patay. Pinatay niyo siya" sabi ko na gamit ang cold voice ko ayaw kong magpakita ng emotion sa kanya

Kei Academy- Return of The Princess  (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon