Chapter 19- Asking for Forgiveness

4.6K 146 2
                                    

*Princess Yuri/Crystal's POV

Nagising ako ng may humahaplos sa buhok ko unti unti kong minumulat ang mga mata ko

"Clay?" Mahinang sabi ko
"Crystal gising ka na? Eireka Ashely gising na si Crystal" sigaw nito halos mabingi na ako at niyakap naman ako ni clay

"Nasan ako?" Tanong ko sa kanila ng kumalas ako sa pagkakayakap

"Nasa clinic ka pang one week mo na dito bukas na ang leveling natin" malungkot na sabi ni Eireka

"Hindi mo kakayanin crystal kagigising mo pa lang hindi ka pa nag tretraining" sabi ni Clay

"No pupunta ako sa Leveling bukas okay na ako malakas na ako" sabi ko sa kanila

"Pero crystal..." sabi ni Ashley

"Basta pupunta ako please pagbigyan niyo ako okay?" Sabi ko at pumayag naman sila at hindi na nangulit.

TOK TOK TOK

Nagulat na lang ako mga royalties ang niluwa ng pinto.

"Crystal salamat at nagising kana" sabi ni yumi

"Araw araw kami bumibisita sayo nagaalala kasi kami" sabi ni bea

"Si kelly naman na suspend 1month ang suspension niya" sabi naman ni Drei

"Crystal ok ka na ba?"nagaalalang sabi ni Aki

"I'm Fine. gusto ko sana mapag isa at makapag pahinga" cold na sabi ko nakita ko naman ang gulat at lungkot sa mga mata nila.

Umalis na silang lahat ako na lang ang natira.

Ano kayang nangyari sa Hezu paradise? Sinong sumakop sa kanila? Kamusta na si Goddess Ishna sana okay lang siya- sabi ko sa isip ko

Bukas na pala ang leveling kelangan ko ng umuwi sa dorm

Buti naman pinayagan na ako ng nurse kaya eto naglalakad na ako pauwi.

May nakita akong naka cloak nakamaskara din kaya hindi mo malalaman kung sino siya

"Sino ka?"tanong ko sa kanya at nakita ko na pula ang mga mata niya kaya napa atras ako nakaramdam ako ng takot

Lumapit siya sa akin hindi ako makagalaw dahil sa sobrang kaba

"Wag kang lalapit" matapang na sabi ko kahit natatakot na ako

Nagpalabas ako ng medium na fireball at pinatama ko sa kanya mabilis naman niya etong naiwasan

"Fire user ka pala ha crystal" malamig na sabi niya

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa academy?" Tanong ko sa kanya

Magpapalabas sana ako ng bubble attacks kaya lang hindi ko magalaw ang katawan ko

Shit shadow manipulator din siya napako ako sa kinatatayuan ko

Tinutok niya ang sword niya sa mukha ko at hiniwa niya ito ng kunti kaya nakita ko na pumatak ang dugo ko

"Wala akong balak patayin ka crystal pasalamat ka" sabi niya at naglaho na

Napaluhod naman ako nanhihina ako

Sino ba siya? Bakit hindi niya ako pinatay?

Buti na lang at earth manipulator din ako kaya pinagaling ko ang sugat ko sa pisngi at pumunta na sa dorm.

*Someone's POV

Nakita ako ni crystal hindi ko maintindihan ang sarili ko hindi ko siya kayang patayin pero isa siyang kaaway na dapat hindi kinakaawan.

Pag nalaman to ng kamahalan mamimiligro ang buhay ko.

Kei Academy- Return of The Princess  (Book 2)Where stories live. Discover now