Chapter 43

4.3K 123 16
                                    

~Princess Yuri/Crystal's POV

Natatandaan ko na ang lahat bumalik na ang alaala ko papano? Dahil lang naman kay Goddess Ishna na akala ko papabayaan na ako. Kainis lang ehh bakit noon hindi na lang niya sa akin sinabi pinatagal pa? Demanding lang- brain shut up

Flashback

"Princess yuri"

"Sino ka? Magpakita ka" sabi ko lumilinga linga ako sa paligid pero wala akong nakita ano yon invisible lang tss

"Ay palaka" napasigaw ako dahil biglang lumitaw sa harap ko kabute lang basta basta lilitaw? tinignan ko siya nang maigi lumaki ang mata ko nang makikala ko siya

"Goddess Ishna? Ikaw nga! Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin alam mo bang lagi ako naghihintay dahil madami akong katanungan na alam kong ikaw lang ang makakasagot"mahabang lintiya ko pat nakapout

Ngumiti lang siya sa akin ng malapad "lumapit ka sa akin princess may ipapakita ako sayo"

Pagkatapos niyang ipakita sa akin ang mga alaala ko unting unti na sa akin bumabalik hindi ko mapigilan ang umiyak

"Goddess ishna pano naman tong mukha ko? Maibabalik pa ba sa dati? Pati yong powers ko na binigay mo? Ayaw na kasing lumabas kahit anong pilit ko parang may humahadlang" malungkot na sabi ko sa kanya pero isa talaga sa concern ko ang mukha ko namiss ko ang diyosa kong mukha pero hindi naman pangit tong mukha ko ngayon maganda naman

"Kung sa kapangyarihan mo kayang kaya ko ibalik yon wag kang magalala princess at alam ko kung sino ang humahadlang isa din siyang goddess at kakampi niya ang felox kingdom. Yung mukha mo naman kaya ko din ibalik sa dati pero dalawang araw ka pang maghihintay princess yuri" sabi niya na nakangiti at niyakap ako

"Kaya kong maghintay goddess ishna sanay na ako diyan eh sanay na akong maghintay kahit magmukhang tanga"

Tinaasan naman ako ng kilay ni goddess ishna nag peace sign lang ako "humuhugot lang goddess ishna" sabi ko napapailing na lang siya

"Hindi lang ang mom mo ang kalaban mo may higit pang mas malakas sa kanya pero wag kang magalala dahil kami ang magtutuos" sabi niya sino naman kaya ang tinutukoy niya na mas malakas pa kay mom?

"Mag iingat ka princess yuri marami ka pang pagsubok pero alam kong malalagpasan mo to" sabi niya at unting unti na ako kinakain ng liwanag

End of Flashback

Kaya nung nagising ako agad agad akong umalis sa kwarto ko para tumakas plano kung bumalik sa keiran kingdom at ipapaliwanag ko sa kanila ang lahat at sana paniwalaan nila ako namiss ko na din sina mom at dad namiss ko yakap at halik nila sa akin

Buti na lang nakita ko sina ate selena sila pala yung tinutukoy ng dalawang chismosa na nadaanan ko sa hallway ng palasyo sila pala yung bihag naawa ako sa mga itsura nilang tatlo halos hindi mo makilala naiinis ako sa tunay kong ina pati na din sa dalawa kong kapatid bakit hindi na lang sila maging mabuti para walang gulo walang war para maging mapayapa dito sa mizo world

Lumapit ako sa tatlo at pinagaling ko sila gamit ang healing powers ko at unting unti nawawala ang sugat nila sa katawan pero hindi muna mababalik agad ang energy nila kelangan din kasi nila ang pahinga

"Tara na kelangan natin makaalis dito agad" sabi ko sa kanila sinubukan kong gumawa ng portal papunta sa academy pero walang nangyayari may pumipigil kaya sinubukan na lang namin hanapin ang daan paalis sa palasyo

"Guys ayon oh nakikita ko ang labas kaso kelangan natin tumalon at tingin ko kayang kaya naman natin" sabi ni arriane at tinignan namin ang tinuturo niya tumango na lang kami at tumakbo papunta doon napatigil kami ng biglang may sumulpot sa harap namin

Kei Academy- Return of The Princess  (Book 2)Where stories live. Discover now