Chapter 15-Crystal Vs Kelly

4.7K 149 0
                                    

*Princess Yuri/Crystal's POV

Kyaahhhh totoo ba to? Si aki gusto ako? Nag confess ang gago? Haba ng hair ko kinikilig ako pero bwisit na yon after niya mag confessed iniwan ako dito sa garden langya talaga.

Nakita ko si kelly na palapit sa akin

*PAKKK* *PAKKK*dalawang sampal at magkabilang pisngi pa ha
Naiinis akong humarap sa kanya

*PAKKK* *PAKKK*. sinampal ko din siya magkabila pinaka ayaw ko sa lahat sinasampal ako

"Hayop kang babae ka wala kang karapatan sampalin ako isa ka lang hamak na estudyante dito" galit na sabi niya

"Kahit prinsesa ka pa wala kang karapatan sampalin ako ano bang ginawa ko sayo ha?" Sigaw kong sabi sa kanya

"Ikaw malandi ka inagaw mo lang naman si aki sa akin" nang gigil na sabi niya

"Ako mangaagaw? Ok ka lang girl? Ex ka lang naman niya at ako ang mahal niya hahahaha" nang aasar kong sabi sa kanya at nakita ko nanguusok na ang ilong niya sa galit

May nakita akong latigo at may tinik na to hinampas niya sa akin natamaan ako sa braso at paa

"Hahaha eto bang babae ang minahal ni aki? Mahina? Hindi naman dugong bughaw" sabi niya na ngumingisi

Nagteleport ako sa likod niya at sinipa siya nawala ang hawak niyang latigo pinag sasampal ko siya

"Crystal itigil mo yan" galit na sabi ni Arriane

Nilayo naman ako nila drei at Railey nakita ko naman na galit tumingin silang royalties sa akin

*PAK* isang malakas na sampal ang ginawa ni Arriane sa akin

"Wala kang karapatan saktan ang pinsan ko napakasama mo bitch ka talaga" galit na sabi ni Arriane

"Hindi namin akalain na nagawa mo yan crystal" galit na sabi ni Lorie

"Tinurin ka pa naman namin na kaibigan" sabi ni Yumi

"Ngayong araw na to kalimutan mo na kaibigan ka namin" sabi namn ni Bea

" Bitch" narinig kong sabi ni Selena at Laira

"Hindi ko akalain na ginawa mo to kay kelly" sabi ni aki na halatang galit

Umiiyak ako hindi lang sa sakit ng katawan ko pati din sa puso ko hindi man nila alamin ang totoo nanghusga na agad sila

"Ang bilis niyong manghusga ganyan ba ang mga prinsipe at prinsesa? Sa tagal natin magkakasama ganyan pala ang tingin niyo sa akin? Hindi niyo muna inalam ang totoong nangyari nanghusga na agad kayo. Oo sige na si kelly na ang mabait at ako na ang masama. Talagang kakalimutan ko na kaibigan ko kayo wala akong kaibigan na mapanghusga. Wag na wag kayong lalapit at manghihingi ng tawad sa akin tandaan niyo yan Royalties" galit na sabi ko sa kanila

Nakita ko na lumapit sila Clay,Ashley at Eireka sa akin

"Anong nangyari bat ganyan itsura mo? May sugat ka" nagaalalang sabi ni Eireka

"Dalhin natin siya sa Clinic" sabi ni Clay at nag teleport kaming apat sa Clinic
After ko magamot lumapit sila sa akin umiiyak na nagkwento sila sa akin at pinatahan naman nila ako

"Kalimutan mo na sila andito naman kaming tatlo kami ang tunay mong kaibigan" sabi ni Ashley

"Tama at hinding hindi ka namin sasaktan" sabi ni Eireka

"Hindi tama ang ginawa nila sayo wag kang magaalala gagantihan ko sila" galit na sabi ni Clay

"Wag hayaan mo na. Basta hindi ko na sila kaibigan wala akong kaibigan na mapanghusga at kaya pa akong saktan" galit na sabi ko

Bumalik na din kami sa room at nag request kami na Apat na lang kami magkatabi at pumayag naman. Masamang tingin ang binibigay ko sa kanila paki ko ba.

"Kyaahh lilipat na kami sa Dorm mo Crystal" masayang sabi ni Eireka

"Pero isa lang room ang Vacant eh" malungkot na sabi ni Clay

"Kayo Eireka at Ashely sa kwarto ko na lang kayo si Clay na lang sa Vacant room" sabi ko sa kanila

"Ang bait mo talaga crystal" sabi ni Ashely at niyakapa nila akong dalawa

Naramdaman ko naman na tumitingin sa amin ang mga royalties sa amin hindi ko na lang pinapansin.

Kei Academy- Return of The Princess  (Book 2)Where stories live. Discover now