Chapter 32 - Decision

4.5K 140 0
                                    

~ Prince Aki's POV

"Aki bakit hindi ka pa kumakain diyan? Tinititigan mo lang yang pagkain mo? May problema ka ba? Tatlong araw ka ng ganyan?" Nagaalalang sabi ng pinsan ko na si Railey

"Nothing. Don't mind me" cold na sabi ko at nagumpisa ng sumubo

Pero sa totoo lang si crystal ang nasa isip ko. Ang laki laki ng kasalanan ko sa kanya hindi ko man lang siya pinakinggan ang mas malalala sinaktan ko pa siya. Hirap man aminin pero naguguluhan ako sa feelings ko kay crystal.

Siya lagi ang iniisip ko kesa kay yuri na girlfriend ko. May inutusan na din ako para hanapin si crystal. Ang unfair ko na nga eh dahil ang cold ng pakikitungo ko kay yuri wala na akong time sa kanya. Kelangan ko makabawi sa kanya

"Tara na aki malapit na mag start ang klase" yaya sa akin ni yuki tumango naman ako at tumayo na para pumunta sa classroom

After ng klase andito kaming mga royalties sa tea room

Hindi na ganon kasaya bakas sa mukha namin ang lungkot dahil sa ginawa namin kay crystal lahat kami nakokonsensya. Napapagalitan na din kami ni HM dahil hindi kami makapag concentrate lalo na sa training kaya hindi muna kami binigyan ng mission.

"Guys hanggang kelan tayo ganito? Kelangan natin magpakalakas hindi tayo to eh. Babalik din si crystal sa atin kelangan lang niya ng space dahil malaki ang kasalanan natin sa kanya alam kong mapapatawad din niya tayo. " sabi ni drei

"Tama si drei pano kung biglang sumugod ang mga feloxians? Dapat handa tayo kelangan pa natin magpalakas dahil alam natin na malalakas na sila lalo na ang combat defense nila" nagulat kami sa sinabi ni railey minsan lang to magseryoso

Lahat naman kami sumang ayon sa sinabi nila dahil mas kelangan kami ng academy at mamamayanan namin. Tinignan ko naman si yuri pero bakit parang hindi niya nagustuhan ang sinabi nila drei? At ang dilim ng mukha?

*Fake Yuri's POV

Andito na kami sa dorm balik sila sa dati ulit masaya na sila at hindi na nanlulumo. Pinipilit nila maging masaya at ayaw ko non. Gusto ko silang makitang nahihirapan.

Si aki naman tatlong araw ng okopado ang isip alam ko naman si crystal yon. HINDI PWEDENG magka feelings siya sa kakambal ko masisira lang ang plano namin dahil magiging hadlang si aki. Dahil alam ko na mahal siya ng kakambal ko at alam ko na kaya niya kami iwan para lang kay aki.

Kelangan ko gumawa ng paraan.

Nilagyan ko ng barrier ang room ko para walang makarinig at makapasok sa room ko at hindi nila maramdaman ang ibang prisensya dito sa kwarto ko

"Hello my dear Reyanne Long time no see" bati niya sa akin at umupo sa kama ko

"Tss. May gusto lang ako ipagawa sayo" sabi ko sa kanya at nag smirk naman siya

"Wala ka talagang galang sa akin" sabi niya na umiiling iling

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at inirapan ko na lang

Narinig ko naman ang malalim na buntong hininga niya at tumingin sa akin

"Okay tutulungan na kita. Ano ba yang ipapagawa mo sa akin?" Seryosong sabi niya

Napangisi naman ako " Gusto kong patayin mo si Prince Aki" sabi ko at umupo sa coach kaya magkaharap na kami

"Yun lang ba? Piece of cake my dear Reyanne. I've gotta go" sabi niya at naglaho na dito sa kwarto ko

Mabubunutan na din ako ng tinik. I know my sister loves you. I have no other choice but to kill you. You're my biggest threat

Kei Academy- Return of The Princess  (Book 2)Where stories live. Discover now