MMMBF 2

15K 71 0
                                    

ME,MY MOM AND HER BESTFRIEND|by Robin

2

#MMMBF

Eversince I learned about Theo I've been curious,doubtful about who he really is,specially to me.

I'm not sure kung six ako nang una ko siyang nakita,rugged ang dating,dugyot,bokalista ng banda,isang rakista.Una pa lang ayoko sa kanya,lagi kasi silang magkasama ni Mom.Hindi naman siya ang Dad ko at hindi rin naman ako pinapansin.

And then one day I started to wonder.Lagi akong tinititigan ng matagal ni Tito Gib kapag katabi ko si Theo.At bakit ang lambing-lambing ni Mom kay Theo kung magkaibigan lang sila.Hindi naman kami ganon sa isa't isa ni Bianca.

Nang twelve ako,I got to asked questions to myself,who really do I looked like? My face matured,my adams apple was showing and my face started to grow hair,hindi naman lahi nila Tito Gib ang balbasin.

"Is he my Dad?" Tinanong ko si Mom.

Her brows furrowed. "Who?"

"Theo."

Tumawa lang siya kaya hindi ko na inulit hanggang ngayon.

Now while I was sitting at the waiting area and saw him emerged in my sight,kumabog ang dibdib ko.Bigla akong nakaramdam ng excitement sa taong yon.Then I slowly recognized his face,his prominent jawline,thick eyebrows,spiky hair and pointy nose as like mine.

Sa pagkatulala ko sa sandali kong pag-iisip,di ko namalayan na magkayakap na pala ng mahigpit ngayon ang dalawa na parang wala ng bukas na sinasabi nila.

Tumindig ako para mapansin nila.

After some kiss on the lips with Mom initiated it,they broke off from that slimy hug.But Theo's arms around on her tiny waist and hers on his'.

Muntik na akong umirap,humalukipkip na lang ako sa inis at naiinip na makaalis doon.

"I brought him!" Mom surprised to him.

Pero kung gaano natutuwa ang Mommy ko sa pagsama sa akin,ganon naman kasama ang mukha ni Theo.I thought so,I really shouldn't have come.

Nagkatitigan lang kami ni Theo.His irises were brown and mine were black like Mom's.Kita ko sa tingin niya na ayaw niya sa akin na para bang magkakasakit siya kapag ganitong nagkakaharap kami.

Hindi nagsalita si Theo,kung paanong hindi rin ako umiimik.Si Mom lang naman tong mapilit. "Dean say hi to your Tito!" At nang hindi ako kumibo,binantaan niya ako ng tingin so I gave a wave and walked away.

Narinig kong tinawag ako ni Nicky pero hindi ako bumalik.Magsama sila ng bestfriend niya!

...

Me,My Mom and Her BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon