MMMBF 5

7.4K 39 1
                                    

ME,MY MOM AND HER BESTFRIEND|by Robin

5

#MMMBF5

The door slided open,I got out from the bathroom when I heard Papa-Lolo's voice from the kitchen.Naririnig ko rin si Mommy-Lola,mahina ang boses nilang nag-uusap at tama ang kutob ko nang marinig kong binanggit ni Lolo si Mommy.

"...Nicolette can't take care of him.Tignan mo nga at naglayas na naman ang anak niya."

My chest constricted.Alam kong mali ang makinig sa usapan ng iba pero hindi ko magawang kumilos para umalis.Hindi ko alam na masasaktan pa rin ako kahit galit ako kay Mom.Ayokong pinag-uusapan siya ng mga tao lalo na ang mga kahinaan niya.Pero ano nga bang magagawa ko kung may dahilan naman para pag-usapan siya.Lalo ng mga magulang niya.

I decided to leave and do the right thing pero may nahagip ang pandinig ko na sinabi ni Lola. "Sa tingin mo ba papayag kaya ang bata kung dito na lang siya tumira?"

My hands balled into fists.

...

"Mahal na mahal mo talaga siya,'no?"

Tumindi ang tingin ko sa asul na langit sa sinabi ni Biancs.She's sitting beside me while I lay on the grass.She's my confidante and were almost an hour talking about Nicky.

Is it wrong to love my Mom this strong?

Tumagilid ako ng higa.Hindi ko malinawan ang sarili kong tanong.

"She's sixteen years older than you,sounds really awkward but you love her more than a mother.She's like your girlfriend."

Lumalim ang kunot ko sa noo sa sinabi ni Biancs.Di ko nagustuhan ang ipinahihiwatig niya. "Ikaw ang awkward." I pouted,turning a bit to show my disgust. "Kung ano'ng pinag-iisip mo.I just love her so much like-whatever...." I muttered,making myself comfortably back,unan ko ang braso ko. "You don't know how I feel 'coz you have that perfect family."

"No,I don't!" I felt her moved. "I don't love my mama that way,maybe...my papa,but not so much." Sabi niyang hindi pa sigurado na lalong nagpapa-awkward ng tingin ko sa kanya.Who doesn't love their parents that much?

"Tss." Dalawang braso na ang inunan ko.

"Have she called you yet?"

Nakapikit na ako nang itanong niya yon.My eyes automatically flew open at the sting of pain.

Naramdaman ko ang pagtabi ni Bianca sa likod ko.Naghihintay ng sagot.

Kinailangan kong pumikit ulit bago ako sumagot. "No." Naiinis na naman ako.First time tong hindi ako hinanap ni Nicky.Siguro napaka-busy niya sa bestfriend niya at hindi na niya ako naalala.

"Hmmm....So--kailan ka uuwi?"

Napadilat ako.Anong klaseng tanong naman yon?!

Kumilos ako para maharap sa kanya,at ayon,ginawa na naman pala niyang unan ang bag ko.Wala na akong choice kundi ang bumangon. "Bianca...! I told you not to lean on it! Bakit mo ngayon inunan?!Kainis ka naman eh! My shoes!"

Me,My Mom and Her BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon