MMMBF 18

1.5K 23 2
                                    

ME,MY MOM AND HER BESTFRIEND|by Robin


18|In 3rd Person POV

#MMMBF18

"Wag mo siyang paaalisin kahit anong sabihin nya mama.Wait for me.See you later."

Ibinaba ni Agnes ang kanyang cellphone pagkatapos putulin ni Dean ang tawag niya.She just told him she got the younger Dean with him.Ang Dean na sa pagkalipas ng maraming taon ay parang takot na bumagabag sa kanya.

Katulad ngayon,hindi siya mapakali,she can't put her attention on her job.Kinakabahan siya at magulo na naman ang isip sa pabalik-balik na tanong simula nang makilala niya ang anak ni Nicolette.

All these years she has never been bugged by her conscience on what really happened.Nang makita niya ang bata,ang maamong mukha nito at malamlam na mga mata na parang palaging humihingi ng atensyon ay parang patalim na lihim na tumarak sa kanyang dibdib.At kung paano ito ipakilala ng asawa sa kanya na may pagmamalaki at antisipasyon,she felt the pang of guilt na bigo niyang mabura ng galit na nauwi sa insecurity as her defense.

Dahil pakiramdam niya,siya ang may kasalanan kung bakit tila may isang buhay ang napagmamalupitan ngayon.

Tears brimmed in her eyes.Nanginginig ang mga kamay niyang binuksan ang kanyang cellphone sa pagsisikip ng dibdib.These emotions,is faith finally taking its toll?

Binuksan ni Agnes ang gallery at mabilis ang daliri haggang sa nahanap niya ang mga larawan.Her kids,her and Dean's.Tinitigan niya ang masasayang larawan ng mga batang ito.Pagsisisihan ba niya ang mga anghel na 'to at nasa sinapupunan niya ngayon?Did she really cheat her way to these kids' father? Ganon ba siya kasama at sinisingil siya ng kanyang konsensya ngayon?

The tears rolled down on her cheeks.Ibinaba niya ang gadget para hilamusin ang kanyang mukha sa mga kamay.Malamang dahil na rin sa hormones niya kaya siya nagkakaganito.Iyong awa na nararamdaman niya tuwing naaalala ang mukha ng batang Dean.He's so young,so fragile and kid para maranasan nito ang mga ganitong problema.Thinking its her kid ay parang nadudurog na ang puso niya.And she thought,what if she didn't came into the picture?Again,pagsisisihan ba niyang dahil don ay nagkaroon siya ng dalawa't isang supling? O sa pagkakataon na sana ay nagkaroon ng mas magandang buhay si Dean Angelo?

She could still have a better life though,but looking back to the past,it was like the dice of 'what ifs' were rolling in.

Isang mahinang katok ang nagpanumbalik sa kanya sa sarili.Kaagad siyang tumalikod para ayusin ang kanyang mukha kasabay ng pagbukas ng pinto.

"Ma'am preggy...." Si Luisa,ang kanyang malambing na assistant.

"Yes,Lu?" Baling niya sabay ikot ng upuan paharap dito.Her face back to its radiance.

Luisa made a face, "yung bagets,pinagpho-photocopy ng mga majojonders sa accounting."

"Ha?" Kumunot ang kanyang noo.

"Inawat ko si bagets pero ayaw papigil.Sabi 'it's okay,it's okay'." Anito na ginaya pa ang pagtanggi ni Dean.

Imbes na makasakay sa damdamin nito ay natawa si Agnes. "Sige ako na bahala.Thanks Lu...."

Paglabas ng assitant ang kanya namang pagtayo at lumabas.Tumingin siya sa kaliwa at nakita niya ang tinutukoy ni Luisa.A warm feeling swept in her chest as she saw the young boy happily and more likely serving the senior staffs infront of the photocopy machine.Dinig pa niya ang mga biro ng mga kasamahan niya sa bata na sinusuklian naman ng huli ng pagkamagalang nito.

Me,My Mom and Her BestfriendWhere stories live. Discover now