MMMBF 13

1.8K 24 0
                                    

ME,MY MOM AND HER BESTFRIEND|by Robin


13

#MMMBF13

Nakayuko ako habang nakayakap ng mahigpit sa bag ko.Sa police station nga ako dinala ni manong at inireklamo pero dahil siguro minor ako ay hindi naging mabigat ang pagtrato sa akin ng mga pulis.

"Eh,mukha namang mabait o." Sabi nung nakaupo sa likod ng desk.

"Mukha ngang anak mayaman talaga sir.Maganda yung kutis,mukhang alagang-alaga." May isang nagsabi.

"Eh itsura lang yan sir,magnanakaw talaga yan." Sabi ni manong at inismiran ko na lang ng palihim.

"Sir! Wala tayong charger nito eh!"

"Wala? Pano yan? Hanapan mo!"

"Ah,sir,pwede bang akin na lang yan para makaalis na rin ako." Hirit ni manong.

"Eto sayo?"

"Oho."

"Eh diba nakipagkasundo ka sa kanya na pera o presinto kasi ayaw mo nitong cellphone?"

"Yes,sir.Ganun nga ho."

"O ba't kukunin mo pa to dinala mo na nga siya rito sa presinto.At isa pa,baka nga snatched lang to kaya hindi namin pwedeng ibalik sayo."

"Eh,sabi nya sir sa kanya raw-"

"Eh naman pala eh! Bakit mo pa siya dinala rito? Bakit di mo pa kasi tinanggap kanina?"

"Eh sir kasi...."

"Ipapasundo na lang namin to sa CSWD,itong IPhone hahanapin namin ang may-ari.At ikaw,umalis ka na."

"Sir naman-"

"Sige na kuya."

"...sige na nga ho.Bwisit naman o...."

"Wag ho kayo rito magmura,sa labas ho...."

"Sige sir!"

"At ikaw.Huy!"

Napaangat ako ng tingin sa kanan ko,sa posibleng nagsalita. "Sir?" Ako pala ang kausap.

"Gusto mo ba sa CSWD?" Tanong niya.Tinatakot ako ng pananalita niya.

Umiling ako.Hindi ko nga alam kung saan na ako pupunta basta ayoko dun.Hindi naman ako nawawala eh.

"Ayaw mo? Kung ayaw mo...magsabi ka ng totoo.Yung totoong pangalan ng nanay o tatay mo o kahit sinong kamag-anak mo na pwedeng sumundo sayo rito.Pangalan!" He said sternly.

Kanina pa nila ako tinatanong ng ganyan,hinihingian ng contact pero wala akong sinasabi kundi si Bianca lang.Hindi naman sila naniniwala dahil kaibigan lang kasi ang sinabi ko.

"Bakit ba ayaw mong magsabi? Bahala ka,hindi ka makakaalis dito hangga't hindi ka nagsasabi ng totoo."

Hindi ako umimik.Naiiyak na naman ako.

Me,My Mom and Her BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon