MMMBF 14

1.7K 21 1
                                    

ME,MY MOM AND HER BESTFRIEND|by Robin


14

#MMMBF14

Tumigil kami sa tapat ng isang luma,halos pasira ng midrise building.Diretso lang ang pasok namin dahil mukhang sira rin ang gate na nakatupi sa magkabilang gilid.People were everywhere,maingay,may nagsisigawan at may nag-iinuman habang nagtatakbuhan ang mga bata.It reminds me of the slum setting I see on TV.

"Dean!" May tumawag sa akin at pagtingin ko si Theo.Masama ang tingin at sinenyasan akong lumapit.Katitingin ko sa paligid ay hindi ko namalayan na naiwan na pala ako.

Mabilis akong kumilos at sinundan siya.Pumasok kami sa mataong hallway.Naramdaman ko agad ang init,at naamoy ang parang amoy kanal.The hallway was dingy,tuklap na ang mga pintura,kinakalawang ang mga pintuang gawa sa bakal at ang pinto ng lift na hinintuan namin.

"Stay close."

Napatingin ako sa kanya mula sa pagmamasid sa paligid.I don't know but I feel not safe.Dito siya nakatira?

Nabasa siguro niya ang tingin ko nang tignan niya ako dahil parang naiinis at nahihiya siyang nag-iwas ng tingin.

Bumukas ang lift at may palabas na mga malalaking lalaki,they reek of alcohol.Immediately,I felt a protective arm  brushing me aside.Itinatabi ako ni Theo mula sa kanila.

When they were gone,itinulak naman niya ako papasok.I jumped in and waited for him.Isinara agad niya ang mga bakal saka pinindot ang 5F.

Along the ride ay pareho kaming tahimik.I wiped the sweat off my forehead.Ang init.Sa gilid ng paningin ko ay nakita kong tumingin siya sa akin kaya tumingin din ako.Nahuli ko na naman siyang umiwas.

Paghinto,he opened the grilles and let me go first.

May nakakilala sa kanya kaya huminto kami para makabati siya.

"O,kapatid mo?" Sabi nung isang babae pagkakita sa akin.

Iniwas ko ang mukha ko,narinig ko na lang siyang sumagot. "Uh,hindi.Sige." Kasunod non ay hinawakan na naman niya ako sa batok ko na parang kanina pa niya ginagawa sabay hatak sa akin.I almost complain.Bakit ba siya nagmamadali?

Isang masikip na hallway ang nilikuan namin at anim na pinto ang nilagpasan namin bago kami tumigil sa pinto na may numbers na 5007.Binitiwan niya ako para buksan ang pinto.Kahit sa pagsususi ay nagmamadali siya na parang may humahabol sa amin o ano.

Nang bumukas ang pinto,tinangka na naman niya akong hilahin sa batok ko. "Don't." Sabi ko at kusa na akong pumasok para maiwasan ko ang kamay niya at makita niyang kaya ko mag-isa.

I heard a switch ticked.

Never pa akong nakapasok sa isang lugar na magulo dahil nasanay ako na lahat ng nasa paligid ko ay maayos.So to see one untidy room and messy as this,I was dumbfounded and unable to move.The room was filled with things and clothes hanged on the walls.There was a table piled with magazines and papers,a small sofa still covered with blanket and pillows on the floor.A small old TV on the left,above a low cabinet beside a bowl filled with coins and a pitcher of water.

Ang gulo...and what's that smell?

Suddenly I remember to look around and look for Theo.Iisipin ko na sanang iniwan niya ako nang mapansin ko siyang lumabas sa sa isang pinto sa gilid.Nagmamadali at may sinasabi. "Kung nagugutom ka may mga pagkain pa sa ref,may noodles din hanapin mo na lang.Kung inaantok ka na...." Pinuntahan niya ang magulong sofa sa tabi ko at nagmamadaling inayos pero lalo lang nagulo. "Uh,dito ka na lang muna.Aayusin ko na lang pagbalik ko."

Me,My Mom and Her Bestfriendحيث تعيش القصص. اكتشف الآن