MMMBF 21

1.5K 22 1
                                    

ME,MY MOM AND HER BESTFRIEND|by Robin


21

#MMMBF21

Dean Angelo was staring at his reflection when he heard knockings from the bedroom door.Agad siyang lumabas ng banyo at nagmadaling binuksan ang hindi naman naka-lock na pinto.

"Coach." Aniya nang mabungaran itong nakaabang doon,a scheming smile plastered on his face.

"Are you onto something I shouldn't know that I disturbed?"

Dean Angelo flared up. "No!Of course not!"

Malakas na tumawa si Coach Dean.Sinamaan niya ito ng tingin.Hindi siya ganong klase ng teenager.

Nakasimangot siya nang maubos ang matutulis na tawa ni Coach.Maluha-luha pa itong nagtuyo ng mga mata. "Sorry,joke lang yon.Alam ko naman eh." Bawi nito at hinila siya para akbayan. "Anyway,may bisita ka." Seryosong sabi.

At kapag sinabing bisita sa seryosong tono,kumalabog ang dibdib ni Dean.Kung hindi pa siya itinulak paakay ni Coach malamang ay naroon pa rin siya sa kanyang kinatatayuan.

Buong sistema niya ang parang ginulantang sa narinig.Is it finally....

"Hey,wonderkid!"

Parang pumutok na lobo ang pag-asa niya nang makita si Bianca.

"Ba't ka nandito?" Kunot-noong tanong niya,halatang disappointed.

Si Bianca na nakapambahay lang at may dalang tote bag ay masiglang nakatayo sa may sala. "What,hindi mo 'ko na-miss?" Pasimangot na wika nito.

Dean drew a deep breath and stepped closer. "I mean,bakit ka nandito?" Pag-uulit niya sa tanong sa mas maayos na tono.

Dahil don ay bumalik ang sigla at saya sa mukha ni Bianca at kagyat pa siyang hinapit sa balikat para yakapin. "Hmm.Na-miss kita wonderkid." Saglit nito iyong ninamnam bago kumalas.Tinaasan niya ito ng bored na kilay. "Nandito ako kasi sabi ni Coach Dean papasok ka na rin sa wakas bukas." Pagkasabi na pagkasabi nito ay may dumaan sa likod niya at paglingon,he saw Coach waving at them with Chesca curiously trailing behind.Dumeretso ang mga ito sa dining room.

"And for your comeback,you will be needing my help.Suggestion lang naman niya,which I think so too.Marami ka ng na-miss na lessons kaya...."

Hindi man ito ang inaasahan ni Dean,at least hindi na ito masama.Makita pa lang niya si Bianca,amoy na niya ang school.Ibig niyang sabihin,para na rin siyang nasa school sa mga knowledge na nalalaman nito at isha-share sa kanya.

At dahil hanggang nine ang curfew nito,sinulit nila ang dalawang oras para mag-aral at magkamustahan na rin.Pagitan lang non ang dinner kung saan pareho silang sumabay sa mga Lazaro.

Sa dinner,pinakamaingay si Bianca.Si Dean na nga ang nahihiya.Hanggang sa matapos sila ay magkausap pa rin ito at si Mrs. Lazaro na isa palang psychologist na gustong maging ni Bianca.

"...though late lang ng two years sa college dahil at the age of eighteen kailangan kong ipagbuntis si Chesca."

"Really po? You got pregnant at eighteen!" Her shameless reaction ever.

Me,My Mom and Her BestfriendWhere stories live. Discover now