MMMBF 25:The End

2.3K 30 3
                                    

ME,MY MOM AND HER BESTFRIEND|by Robin


25

#MMMBF25TheEnd

Nicky squatted to help Dean tie his right shoe.Maya-maya nandyan na kasi ang service.

"May gagawin ka ba sa weekends?" Tanong niya.

Sabay silang natapos sa pagtatali.Tumango siya nang tumayo ito.Saglit lang siya nitong sinulyapan. "Wala."

Tumayo na rin siya at humalukipkip sa harap nito. "Nasan yung 'po'?" Inismiran siya. "Papa asked for you." Aniya at halatang natigilan ito sa pagbanggit niya sa Lolo nito.He looked at her,his eyes were asking.Ngumiti siya, "okay na kami." Pagmamalaki niya.Wala itong reaction. "Napatawad ka na niya...he's asking for you.Kaya sama tayo sa kanila sa weekends.Pupunta tayong Palawan!Yehey!" She cheered,tinawanan siya at bigla na lang yumakap.

"Love you." Bulong sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi.

Pero bago pa ito makalabas sa pinto,naalala niya. "Wait! 'Asan na yung susi?" Nameywang siya.Tumigil ito at gulat na lumingon sa kanya. "Akala mo di ko alam? That's for emergency,use this instead." Sabi niya at mula sa bulsa ng kanyang roba inilabas niya ang duplicate.

Alam niya ang tungkol don dahil napansin niya kagabi na parang bagong tanggal ang bato sa carport.

Ngingisi-ngisi,bumalik ito sa kanya at mula sa bag nito at inilabas ang pamilyar na lumang susi.

They exchanged.

"Mabuti ginagamit mo na ang isip mo ngayon.Kaysa para kang unggoy na umaakyat sa likod." Mukhang nagulat na naman ito sa sinabi niya. "Alam ko...." And squinted her eyes.Akala nito hindi niya alam na parang unggoy itong bumabaging sa likod katuwing sinasarhan niya ng pinto.

...

He said two PM.Pero wala pa rin ang Mommy niya.Wala ding text.Kung sabagay mahaba naman ang game.At game one pa lang naman para sa best of five.But still,it'll be nicer kung nandito na agad sana si Nicky.She'll see,how good he is in basketball.

"Men,'kala ko iindyanin mo kami."

Sabay akbay ni Coach Dean kay Dean Angelo habang inaayos ng una ang uniporme nito.Nasa court na sila at nagsisimula ng mag-ingay ang mga nasa bleachers.

Tumingin sa kanya si Dean sabay ganti ng akap sa beywang niya.

"Whoa.Mukhang di ko na kailangang tanungin,bati na kayo ng Mommy mo?" Aniya dahil sa kapansin-pansin at naiibang sayang nakikita niya sa mukha ng bata.

Isang ngiti lang ulit ang isinagot nito sa kanya para makumpirma niya ang hinala.And for that,mahigpit niya itong niyakap at tinapik sa likod. "I'm happy for you Bud'.Very...," saka niya ito inilayo ng bahagya para makita ang mukha nitong pinapagwapo lalo ng totoong saya. "Pero isipin mo pa rin palagi ang sinabi ko sayo last night ha? Welcome ka sa bahay anytime." Aniya at mariin itong pinisil-pisil sa mga braso sa sobrang tuwa at nangingilid pa ang mga luha niya.

Isa pang tango at ngiti nito bago nagsimula ang laro.

Coach Dean looked at the bleachers,halos mapuno yon ng mga estudyante at ilang mga galing labas.Hinahanap ng kanyang paningin ang kanyang pamilya na nangakong manonood ngayon.But to his surprise,just entering the upper seats,is Dean Angelo's mom.Ito ba ang sinisipat ng bata kanina?

Me,My Mom and Her BestfriendWhere stories live. Discover now