MMMBF 12

1.9K 22 1
                                    

ME,MY MOM AND HER BESTFRIEND|by Robin


12

#MMMBF12

"You are just like your mom.You blame others for your mistakes."

That final words of Lolo keeps on repeating in my head.Nasa kwarto na ako and I slumped myself on the bed.I feel helplessly tired and my chest feels so heavy I couldn't breathe normally.

Nakatingin ako sa kawalan,tulala probably nang tumunog ang pinto.Somebody was coming so I pretended that I'm busy plugging my charger onto the outlet.

Hindi nagsasalita yung pumasok kaya tumingin ako at nakita ko si Wilem na seryosong nakatingin sa akin.His hands in his pocket.

Iniwasan ko ang tingin niya,he wants a talk.

"Okay ka lang couz?" He carefully asked.

I guess that he heard everything.

I finished plugging my phone so I don't have any more alibi.Hinarap ko na lang siya and I smiled.

Wil walked towards me and sat beside me.The bed sank with his heavy weight.

"You know,dad scold me too." Nabigla ako sa approach niya.He sounds caring and sincere kaya napatingin ako sa kanya.He's looking at me too. "Naiinis ako sa kanya,I got mad but at the end of it I realized that it was my fault and that he is my dad.He just wants the best for me and I shouldn't hate him."

Is this really Wilem?

I want to tease him but his words were solemn.Like it really came from his heart kaya wala akong masabi kundi ang lalong mapatahimik na lang.

"Kaya sana couz...wag mo sanang i-hate si Lolo.You know...." Hindi pa niya masabi dahil baka iniisip niyang magagalit ako pero alam ko naman.

Again,I didn't say anything.His attack was just so sudden and raw and heartfelt that I can't seem to ruin the mood.But inside me,no,hindi niya kasi alam ang totoo.Hindi siya kagaya ko na magulo ang pamilya,o kung meron nga ba.He is far complete and fine compared to me.Kaya yan ang nasasabi niya.

"Everything will be fine." Sabi pa niya at inakbayan ako sabay buntong-hininga.Mukhang siya pa yata ang naapektuhan sa aming dalawa. "Tara,kain na tayo." Tapos ay sabi na nagpawala sa bigat ng mood.

Natawa ako ng kaunti lang. "Sige." Sabi ko at tatayo na rin sana ako nang sunod-sunod na beep ang nanggaling sa cellphone ko.Napatingin ako doon at nakita ko ang maliit na pangalan ni Mommy for 16 messages and 7 missedcalls that must have probably the reason why my cellphone got drained.

"Sunod ka ha.Wag ka ng magtampo." Tinapik ako ni Wil.

Tumango ako at don pa lang siya umalis.

Yumuko ako para basahin ang mga messages.May mga usual na texts niya at yung iba...were like bombs,they were dropped to me explosively.

From: Mommy Nicky
5:43 PM
Ikaw ba ang nagsabi kay papa na nandito si Theo?!

From: Mommy Nicky
5:44 PM
Sumagot ka! Sagutin mo ang tawag ko!Walangya ka!

From: Mommy Nicky
6:12 PM
Napakayabang mong bata.Wala ka pa namng napapatunayan pero akala mo kung sino kang makealam sa buhay ko! Anak lang kita!

Me,My Mom and Her BestfriendWhere stories live. Discover now