MMMBF 20

1.7K 23 1
                                    

ME,MY MOM AND HER BESTFRIEND|by Robin


20

#MMMBF20

Binulungan ni Dean ang asawa na sa sasakyan na lamang siya nito hintayin pagkatapos ng naging pag-uusap nila kay Nicky.

At minsan pa ay nagkangitian ang dalawa na parang magkaibigan.

The feeling was very breathtaking.Para bang isang napakalaking pabigat ang umangat sa kanya at naging sobrang gaan ng kanyang pakiramdam.What was it? A euphoria?Not until he settled what's really matter.

Muli siyang bumaling at humarap kay Nicky.Maliban sa kapayatan na napansin mula rito ay wala na siyang ibang nakita na nakapagbawas sa anyo nito.She's still that beautiful and free-spirited as he had known her.How she handled the situation moments ago was really the likes of her,na parang lahat ng problema ay walang sukat.Noon lang nang makipaghiwalay ito sa kanya na nakakitaan niya ng kahinaan.Hindi niya iyon inasahan,siguro ay sobrang na-threathen ito noon sa mga magulang nito kaya nagawa nito iyon.Dahil kung pagmamahal lang,hindi niya lubos maisip na ang mga batang kagaya nila noon ay kayang magmahal ng ganon katindi.Na para bang wala ng wakas sa kanilang dalawa.But it did.

"Nick,about Dean." Aniya sa pagbabalik ng tunay na pakay niya sa pagsugod doon.

Nicky raked her long untidy hair with a hand as she concentrated looking at him.Bakas pa sa mukha nito ang pag-iyak at ang pagkadisgusto sa sinabi niya,na parang problema ang pagbanggit kay Dean Angelo.Napabuntong-hininga siya at kunot-noong nagpatuloy. At bawat sasabihin ay parang gusto na lang din niyang ibuntong-hininga. "The boy almost escaped from me.Saying he doesn't want to go home.Takot yung bata at nalilito." Isa pang buntong-hininga.Magulang din siya kaya alam din niya ang pakiramdam. "Pakiusap...kung ayaw niyang umuwi,sunduin mo siya.I think that's what he wants."

Humigpit ang pagkakatupi ng mga braso ni Nicky.Ang batang yon,napaka-arte talaga.

Taking the silence,Dean moved then to his proposition. "Alam kong wala akong karapatang mang-angkin ng anak nino pero kung ganito lang din naman...then I'm willing to take care-"

"Gago."

Tumigil si Dean sa narinig.His temper blown off to its limit at mabangis na binalingan ang taong nasa likuran. "Take care?" Nagpupuyos na ulit niya at mabilis itong hinakbang.Nagtiiman pa ang mga bagang. "Gago?" He echoed in a full scowl. "Kung may gago rito diba ikaw yon?" Nagpantayan ang kanilang mga tingin.Parehong naglilisikan laban sa isa't isa. "Ikaw na akala mo kung sinong makabakod noon? Tapos ano?"

Theo's lips tightened.Walang maisagot,alam niya ang kanyang pagkakamali,alam niya kung ano ang nagawa niya at pinagsisisihan niya yon.Kung maibabalik lang ang panahon matagal na niyang inayos.Sana hindi siya nakealam,sana hindi siya nagpadala sa matinding pagseselos.Di sana walang batang parang araw-araw na pabigat sa konsensyang niya.

Panting,he just continue looking straight at Dean.The man he never approved for Nicky then and now.

Emotions caught up and clogged in his throat.Sa tuwing naalala ni Dean ang mga mata ng bata,ang pagsusumamo sa mukha nito ay hindi niya mapigilan ang sariling madala.His heart is breaking for the the good kid kaya hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang mga taong nakapalibot dito.O kung bakit sa dinamidami ng pwedeng mangyari ay kung bakit ito pa ang naging ama ni Dean Angelo,kung ama nga ba.He can't see the sincerity but rather the old insecurities he had against him.

Me,My Mom and Her BestfriendWhere stories live. Discover now