MMMBF: Epilogue

2.7K 46 48
                                    

ME,MY MOM AND HER BESTFRIEND|by Robin


Epilogue

#MMMBFEpilogue

Two weeks after the Palawan trip,hindi pa rin magawang sabihin ni Nicky kay Dean ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Damn,yeah.She's almost four weeks pregnant.And yeah,to Theo.Damn it.

Buntong-hininga,tinanggal niya ang mansanas na nakapasak sa kanyang bibig at sumigaw. "Baby D! May tao sa baba!" She called out from the bathroom where she pees.Pero patuloy lang ang pagtunog ng doorbell. "Ano bang ginagawa non?" Muni niya at nagmadaling inayos ang suot at lumabas ng banyo.

Heto na naman ang hilo niya,nakakatamad kumilos.Bukas absent na naman siya nito.

"Sandali lang!" Sigaw niya mula pa rin sa taas pagkasilip sa kwarto ni Dean at makitang wala ito doon.Saan nagpunta yon?

Pagdating sa pinto,sumilip muna siya sa peephole.Babae,bata pa at hindi niya kilala.Binuksan niya agad.Di kaya...shit,wag naman,ang bata pa ng anak ko.

"Yes?" Bungad niya,humarap ang babae.

"Ay,hello po!" She greeted,smiling widely and waving her hand.

Hindi niya magawang sumagot dahil ayos sana eh,maganda sana,kaso sa mabilis na pasada ng tingin sa hitsura nito,she's too revealing for her son.Ang iigsi ng suot nito.And she didn't like it.

"Sino ka?" Matalim na tanong niya pero parang hindi nito napansin at naglililikot ang paningin sa loob ng kanyang bahay.

"Dito po ba nakatira si Dean-" putol nito sa sarili at may kinuha sa loob ng sling bag nito.Isang nababalutan ng kulay brown na papel na hugis kahon at may mga nakasulat na siya nitong binasa. "Dean...Angelo...Sta. Maria?" Nakangiting balik nito sa kanya.

The girl just have nooo idea.She thought.At base sa narinig niya,she knew instantly where that thing came from.At shocks,nakakabigla.Sta.Maria?

Tinignan niya ngayon ng mabuti ang babae. "Sino ka?" Seryosong tanong niya.Gusto niyang magtaray sa iritasyon.

Pero ngumingiti lang ito. "Sabihin mo muna sa akin kung dito nga nakatira si Dean?" Nakakaloko nitong sabi.

Napabuntong-hininga siya.Sa inis niya baka mapaglihian niya ang babaeng to. "Oo,dito nga.Sino ka ba? Pinapunta ka ba rito ni Timotheo?" Peywang niya at itinukod ang isang kamay sa hamba.

Pero sadyang wala yatang kaide-ideya ang babaeng to at walang pakealam sa galit niyang 'obvious' na. "Ikaw si Nicolette?"

Ang kulit. "Sino ka ba? Gusto mong ipa-baranggay kita?"

Nalunok nito ang dila.

"Trina?"

Nag-unahan ang kanilang tingin sa nagsalita.Si Dean na mabagal na naglalakad palapit sa kanila at sa babae nakatingin.Malaki ang surpresa sa mukha nito,bagay na lalong nagpakabog ng kanyan dibdib.

"Uy,Dean! Ikaw nga! Dean!" Sabi nung babae at sinalubong ng yakap ang kanyang anak na parang matagal na silang magkakilala.Though her son was pushing her away but no way.Noooo way!

Me,My Mom and Her BestfriendWhere stories live. Discover now