MMMBF 17

1.6K 25 1
                                    

ME,MY MOM AND HER BESTFRIEND|by Robin


17

#MMMBF17

Five AM gising na ako but I stilled on my bed.Naduduwag akong lumabas sa pinto nang maisip ko na nasa ibang bahay na ako.Na naman.

Thinking about what I went through like a recap,my eyes they starts to water.Wala ng power ang battery ng phone ko at parang ayoko ng buhayin iyon.Natatakot ako sa mga pwede kong matanggap na mga messages.And most specially,I'm afraid to receive nothing from Mom.

Mommy.

"Dean."

Mula sa pagkakatago ng mukha ko sa pagitan ng aking mga brasong nakatuko sa mga hita ko,tumango ako at nakita si Coach.Nakatayo na siya sa tabi ko at hindi ko man lang namalayan ang pagpasok niya.

Surprised,I quickly stood up. "Coach."

He was surprise too. "Umiiyak ka ba?"

I felt my face burning.Agad kong pinunasan ang mga mata ko at oo nga,basa pa ang mga iyon. "Sorry Coach." I said under my breath.

"Okay ka lang ba?" Hindi siya makapaniwala at nagdikit ang mga kilay niya nang muli ko siyang tignan.Concern was plastered all over his face.

"Yeah." Natataranta ako sa pagsagot,baka kasi kung ano ang isipin niya.Nakakahiya.

"No...you're not okay." He said at inabot ako para akbayan. "Come on tell me,you miss them? Gusto mo tawagan ko sila?"

Hindi ko alam kung saan ako nadala,sa sinabi ni Coach o sa paraan ng pagkakasabi niya dahil naging emosyunal na naman ako.Sumikip ang lalamunan ako at para akong hindi makakahinga,kasunod ay ang hindi ko na mapigilang paghikbi.Nakakahiya,dahil wala na akong magagawa,pinilit kong tumalikod sa kanya.Bakit ba ang sensitive ko ngayon?

"Go on,cry." Coach encouraged kaya lalo akong nahiya.Hinagod pa niya ang likod ko like I'm a kid.

"No,stop." Sinubukan kong lumayo pero hinuli niya ang balikat ko at inakbayan ng inakbayan.

"Don't be shy...that's normal.Ako rin umiiyak.It happens to any man." He explained but he doesn't understand.

"N-n-no...." Hindi ko masabi ng buo dahil sunod-sunod ang pagsinok ko,my inside was shaking. "I shouldn't be crying.I'm not sensitive!"

"Tsk.Lahat ng tao nagiging sensitive.Come on." Pero nilayuan ko pa siya lalo when I got the chance. "Tawagan na natin ang mommy mo.Ako na mismo kakausap.I'll explain para hindi siya magalit.Is that cool?"

Malapit ko ng mapahinahon ang sarili ko nang gulatin ako ng sinabi niya.Na parang may bulkan sa dibdib ko ang sumabog at nagkalat ang lava sa buong sistema ko. "NO!" Nilingon ko siya at galit akong lumayo.

Coach was stunned for a moment.Ako rin nang maisip ko ang ginawa ko,agad kong binawi.Muli akong tumalikod sa kanya at mas lalo ngayong nahiya.

"Okay...." He said in a huge sigh.I was rubbing my eyes when he talked. "If that's what you want...okay.But I'd like you to know that I'm here.That I'll help,just say so....But for now,gusto kong malaman kung papasok ka ba ng school dahil sasabay ka na sa akin obviously."

Me,My Mom and Her BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon