MMMBF 19

1.6K 24 1
                                    

ME,MY MOM AND HER BESTFRIEND|by Robin


19

#MMMBF19

"...she came back and waited for you.And I...I'm sorry...I didn't tell you.She came back,she was crying,begging me to tell her where you are.Pero naging makasarili ako,hindi ko sinabi sayo na bumalik siya,she was there until before the day you came back."

It almost landed.The entire moment his knuckle was just hanging against the surface of the door.Dinig na dinig ni Dean ang hagulhol ni Mrs. Lazaro.Ang mga sinabi nito,at kung sino ang kausap nito.

His heart went beating fast.Alam niya kung sino at ano ang tinutukoy nila pagkatapos ng mabilis na pag-analisa.Ang Mommy niya iyon.

"I'm sorry Papa...I'm sorry.Kung sana hindi ako naging makasarili...maybe you have been a happy family now."

Nakakapagod.Ito ang sumunod na naramdaman niya.Not from the fast beating of his heart but from these truths that suddenly came dropping on his foot everywhere he goes.Nakakapagod na,mula sa Mommy niya,kay Theo,sa mga lolo't lola niya hanggang sa mga taong ito.Lahat sila ay parang mga sinulid na nagbuhol-buhol dahil sa kanya.Dahil sa mga katotohanang ito na naririnig niya.Ang mga dahilan kung bakit siya nagkaganito at umabot sa ganito.Nakakapagod.

From the foot of the door he traced back.Tumango siya at malayang tumingin ng may tagusan doon.He could still hear her,her sobs,her regrets.

Unable to hear no more,Dean deeply breathe,filling his lungs,though it was ragged but it was braver than before.Saka siya pumihit at nagsimulang maglakad palayo.

...

"Dito ka lang.Look after him for me.I'll be back." And kissed her on her forehead but she didn't let go.

Bagaman mahinahon at kalmado na,hindi pa rin mapanatag si Agnes sa gustong mangyari ng asawa. "I wanna go with you.Please...?" Nang bumakat ang hindi pagsang-ayon sa mukha nito.

"Ma...nagseselos-"

Pinutol ng pag-iling niya ang sasabihin nito. "I want to apologize."

Lalong nalukot ang mukha ni Dean. "Ma,matagal na yon...."

"But still." She argued.

Tinitigan ni Dean ang asawa ng matagal,nang makita ang determinasyon nito,wala na siyang nagawa kung hindi ang mapabuntong-hininga.

Magkasunod na lumabas ang dalawa,only to find out na wala na sa harap ng photocopy machine si Dean Angelo.

"Lu,nasa'n si Dean?" Nag-aalalang tanong ni Agnes sa assistant.

Kumunot ang noo nitong nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila. "Hindi ba si sir?" Turo nito sa asawa.

Napapikit siya habang ang asawa naman niya ay napatikhim.Nakuha pang matawa.

"Ah!" Kusang kuha ni Luisa. "Si Dean na isa."

"Yes,nasa'n na siya?"

Nagpalinga-linga ito. "Teka...parang napansin ko siyang--ay hayun!"

Sabay na napatingin ang mag-asawa sa kaliwa ni Luisa at nakita nila ang batang Dean na lumabas mula sa dulong pasilyo.

Me,My Mom and Her BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon