MMMBF 22

1.4K 22 1
                                    

ME,MY MOM AND HER BESTFRIEND|by Robin


22

#MMMBF22

I was in the bathroom,leaning on the sink and looking pointless at the floor.Tapos na akong mag-shower at magbihis at ayokong lumabas pa.Should I just stay please?

But Coach came knocking. "Dean? Ready ka na? Halika na,magsisimula na yung party."

Paglabas ko,hindi ko sinalubong ang tingin niya.Parang hindi rin naman niya napansin dahil nagmamadali siya.Akbay ako,lumabas kami ng kwarto patungo sa front lawn kung nasaan ang party.

Gabi na pero napakaliwanag dahil sa mga lightings,at maingay dahil sa mga bisita at mahinang tugtog.Once more,I traced my sight to look at the faces and feeling to include me into this gathering.

"Halika.Blowing of candles na.Dun ka sa tabi ng Tita mo." Sighing I followed Coach.

Mabagal ako maglakad dahil sa bigat ng mga hakbang ko so I lost tract on him sa dami ng mga tao.

"Aray."

"S-Sorry." Kinabahan ako nang makabanggaan ko ang isang babae.Tinignan niya ako ng mabuti,hindi ko siya kilala at alam kong siya rin.

"Sino ka? Sa side ka ba ni Kuya Dean? Di kita namumukhaan." Sabi niya na parang galit pa.

Hindi ako sumagot dun sa babae,I was an outcast right? I was not a family.Kaya gumilid ako,kung pwede lang bumalik na lang ako sa loob dahil hindi pwede ang hindi kamag-anak don.But I stayed to watch Coach,Chesca,Ronie and all the relatives surround Tita Agnes and sang her a happy birthday.

An ache slowly chipping me.I hugged myself tight as if suddenly the hot weather went cold.Hindi ganito ang birthday ni Nicky.I never had a memory of her celebrating her birthday this grand.Or my birthday.Kakain lang kami sa labas kasama si Bianca o mga kaibigan niya.No gifts,unless I demand one.Unless she wants one.

"Dean!" Coach called from the crowd at nakakahiya dahil lahat sila ay nagsitinginan sa akin. "Come here!" Parang galit na sabi niya.

I stood straight.Ayoko ng atensyon na ibinibigay niya sa akin.Pero para matapos na dahil nakakaistorbo na ako na parang ako na lang yung hinihintay,I sprinted towards them.

Kung hindi ako inaakbayan ni Coach,nakasunod naman ako sa kanya na para akong tuta.Sa dami ng bisita nila,parang wala na rin ako at kahit gusto kong makipag-usap at makihalubo,nahihiya ako at parang wala ring namamansin sa akin.

"Anong gusto mo? Kuha ka ng pagkain mo.Ako na lang pala." Sabi niya paglapit namin sa buffet.

I wagged my hands to disagree. "Ako na." Sabi ko at mabilis kong kinuha ang platong hawak niya para lalagyanan ng pagkain ko.

Nagkibit lang naman siya ng balikat at hinayaan na ako. "Okay,sige." Pagkasabi ay sabay na kami sa pila.

"Thank you." Sabi ko sa service crew at pagtingin ko,wala na si Coach sa tabi ko.Tatawagin ko sana pero may mga kausap siya.Pero hindi ko alam kung saan kami pupwestong mesa. "Coach-" but they walked away.

"Excuse me."

Mabilis akong tumabi pero hindi ko naman nakita ang nasa kaliwa ko.

Me,My Mom and Her BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon