Torpe

188 5 2
                                    


Dear Crush
Heto na naman ako
Nakatingin sayo

Binabantayan bawat kilos mo
Nakatatlong candy Max na ako
Pang apat na sindi ng Marlboro

Ngunit di parin mawala-wala
Daga sa dibdib ko

Sa tuwing ika'y lalapitan..

Tuhod ko'y nanginginig
Ako ay nanlalamig
Palad ko'y namamawis
At dila ko'y nauumid

Inuulan tuloy ng tukso
Ng mga kolokoy na barkada ko

TORPE daw ako!

Sabi ko..
Hindi naman masyado!

Paano nga ba maipagtatapat?
Damdamin ko sayong matapat
Kung tumayo lang sa harapan mo'y
Tinatakasan na ng ulirat

Ang totoo'y matagal ko ng ninanais
Na ika'y kausapin
Upang sayo'y maamin
Damdaming di na maililihim

Nakakatawa mang isipin
  Tatlong taon ko ng hinihiling
Na puso mo'y mapasa akin
Na hindi na yata mangyayari

Kung palagi na ay natotorpe
Sa ganda mong nakakatorete

Isang paraan
Ang pumasok sa isipan ko
Upang
Maipagtapat ang damdamin ko

Gagawan ko ng tula
Ang mahal ko...

At ito'y iaalay ng buong puso sayo



Sa taong inspirasyon ng tulang ito.. Oy pards sana magkaroon ka na ng lakas ng loob na umamin kay crush hahaha! Mention mo na sya dito 😝 😂 😁

POEM LOVERWhere stories live. Discover now