Daloy ng Buhay

103 2 2
                                    


Sa limbo ng mga bituin, sa ihip ng hangin
O sa kalawakang di matanaw ng paningin
Sa balong malalim o sa tinik ng mga rosas
Saan ba makakamit ang ibig na di malirip?
Ang aking mga kagustuhan ay tila walang katapusan
Mula ng ako'y isilang at mabuksan ang isipan
Sa daloy ng buhay ako'y nakipagsabayan
Hanggang sa matutong bumigkas at sumulat
Matuklasan
Walang hanggang pangangailangan
Hindi natitighaw na uhaw na kagustuhan?
Dito sa modernong mundong
Aking namulatan kailangan mong makipagsabayan
Upang di mapag iwanan

POEM LOVERWhere stories live. Discover now