Maghihintay Ako Mahal

101 1 2
                                    


Maghihintay ako mahal
Maghihintay ako mahal gaano man katagal
Maghihintay sayo abutin man ng pagkapagal
Tuwina'y ika'y ipagdarasal

Laging aasamin ang iyong muling pagbabalik
Pagbabalik na pinakasasabik
Huwag mo sana akong malimot mahal
Sa mga panahong na ako ay hindi mo maabot

Ako'y may hindi mo mayakap
Sa isip naman ika'y pinapangarap
Nababatid mo ba o aking mahal
Na sa mga araw na ika'y kapiling

Oras sa akin ay ginto ang kahambing
Sinusulit bawat minuto at segundo
Ayaw ng bumitiw sa kamay mong hawak ko
Sa gabi ayaw ng ipikit mga matang sa iyo ay nakatitig

Dahil sa panibagong bukas na ikaw ay kailangan ng umalis
Iiwanan ng pangakong muling pagbabalik
Pigil ang luhang ika'y ihahatid
Ipapabaon ang pusong sa iyo ay tanging umiibig

POEM LOVERWhere stories live. Discover now