Mahal

118 5 0
                                    


Mahal...

Mahal na mahal kita
Unang kita ko pa lamang sayo
Alam kong mahal kita
Nadama ko agad na espesyal ka sa iba

Mahal...

Naakit ako ng kabaitan mo
Ikaw palagi ang naiisip ko
Lambing ng tinig mo'y musika sa pandinig ko
Mga tawa mo'y nagpapabilis sa pintig ng puso ko

Mahal...

Ano bang mahika ang gamit mo?
Bakit ako nahumaling ng ganito sa iyo?
Ginamitan mo ba ako ng gayuma?
Kaya ako sayo'y nahahalina?

Mahal...

Ibig kitang makasama
Mahalikan ikaw aking sinta
Mayakap sa tuwina
At sabihin sa iyong mahal na mahal kita

Mahal...

Hindi mo kailangan tugunin itong aking damdamin
Di kailanman ipipilit na ako'y iyong ibigin
Sapat na sa aking ika'y paka mahalin
Kaligayahan mo ang syang tanging mithiin

POEM LOVERWhere stories live. Discover now