Ayoko Na

53 1 0
                                    


Ikaw...
Ayoko na
Ayoko na maawa ka...

Ayoko ng maging unan mo kung saan ako'y iyong iniiyakan tuwing ika'y nasasaktan

Ayoko na!

Ayoko ng maging waitingshed mo lang na iyong sinisilungan tuwing ika'y maliligaw

Ayoko na...

Ayoko ng maging tenga mo na tagapakinig ng lahat ng mga hinanakit mo!
Ayoko ng maging panyo na pamunas ng iyong mga luha tuwing niloloko at sinasaktan ka ng jowa mo!

Tama na ayoko na!

Ayoko ng maging tila guro mo na nagbibigay aral at mga payo sayo
Napapagod na ako...
Napapagod na ako maging isang coffee shop na pinupuntahan mo lang at binabalik balikan tuwing umuulan o sumagi lamang sa iyong isipan

Ikaw

Kaibigan ko...

Hindi man kumpleto ang buhay mo na wala ako
Gaano mo man ako kailangan hindi parin ako ang sagot sa iyong tunay na pangangailangan
Dahil ang katotohanan ay bahagi lamang ako ng buhay mo
Pero hindi ako ang iyong MUNDO

OO

Alam ko...

Kaibigan mo lang ako...

PERO

.

.

.

Bakit?

Bakit ba hindi mo ako ang naging TAHANAN mo..

Kung saan...

PIPIRMI ka na lang sa buhay ko

Bakit......

POEM LOVERWhere stories live. Discover now