Confession

62 2 2
                                    


Mahal Kita

Mahal Kita, hindi dahil nakita kong cute ka at sexy pa
Mahal Kita, hindi din dahil sa napansin kong maganda ka
Minahal Kita dahil nalaman kong napakabuti ng puso mo
Yung puso mo na nagturo sakin ng maraming bagay

Tulad ng...

Mas maging mabait pa sa ibang tao, maging mapagbigay, matulungin at madami pang iba.

Mahal Ko

Alam kong alam mo ng mahal kita
Pero alam mo bang?

Ikaw...

Ikaw ang comfort zone ko

Para kang kwarto ko
Kung saan naipapakita ko ang tunay na ako
Para kang kumot na nagbibigay init sa puso ko
Para kang masayang panaginip na nagbibigay ngiti sa mga labi ko
Para kang mama at papa ko na prumoprotekta at nagmamahal ng tunay sa akin

Alam mo

Hindi Kita mahal na parang kaibigan
Kundi mas higit pa sa isang kaibigan
Hindi Kita mahal na parang kapatid
Kundi mas higit pa sa isang kapatid

Ang totoo

Mahal Kita tulad ng mahal ko ang mama at papa ko

OO

Mahal na Kita tulad ng mahal ko ang mga magulang ko

TOTOO..

BAKIT?

Dahil sila..
Dahil sila ang pinaka importanteng tao sa buhay ko, mahal ko sila higit pa sa sarili ko.
Sila ang buhay ko.

Kaya ikaw...

Isa kana sa pinaka importanteng tao sa buhay ko
Mahal na yata kita higit pa sa sarili ko

Ikaw ang buhay ko

At

Hindi ko na kayang makita pa ang sarili ko.. Ang buhay ko na hindi..

Ikaw ang kasama

Je'Taime17

POEM LOVERWhere stories live. Discover now