Sugal

26 1 0
                                    



Kung tayo ay pinagtagpo ng pagkakataon ngunit pinaglayo ng panahon
Ikaw ba ay matatawag kong nakalaan kung ikaw ay tila napadaan lamang
Nung mga panahong ako'y lubog sa kalungkutan napagkuro kong..

Ikaw at ako nakatakdang masaktan sapagkat tayo din naman ay darating sa puntong mag papaalam

Ang mapaglarong takbo ng ating unang pagkikita
Ang init na hatid ng una nating pagkasabik
Mga yakap na kay higpit sa gitna ng panahong nag ngangalit
Sa isip ko lahat ay na ukit

Minahal man kita o mahal kita iyon ay wala ng halaga, di ba?
Dahil batid ko na mula pa ng una
Ikaw at ako ay inilaan para sa iba
Ang maging masaya ka yun na lamang ang mahalaga

Pag ibig nga ay isang sugal
Dahil ng sumugal ako sayo
Ako ay natalo
Ngunit natalo man ako
Naging masaya akong nakilala ko ang isang tulad mo

POEM LOVERWhere stories live. Discover now