Kasalanan

66 2 0
                                    


Sa isang iglap ay pinagtagpo
Mundong magkalayo
Hindi kailanman magkasundo
Kaya't walang makapagtuturo

Damdamin ay pinagkanulo
Limutin man o hindi malilimutan kailanman
Mga alaala ng nakaraan
Mga panahong nagdaan

Na minsan ang ihip ng hangin
Ay may dalang lagim
Ngunit ganoon nga ba maituturing
Kung lagim ay may lambing

Nalunod sa isang bote ng kaligayahan
Halakhak ng kabaliwan
Haplos ng kasalanan
Nakalimot ng isang saglit

Ngunit malilimot din ba ang pait ng katotohanang...

IKAW AY HINDI AKIN!

AKO AY PARA SA KANYA PARIN...

TAYO AY NAKATALI NA AT KASALANAN ANG MAHALIN KA!

POEM LOVERWhere stories live. Discover now